"MUKHA ba akong hanapan ng nawawalang girlfriend?" paungot na hasik ni Jane kay Seb. "Ikaw ang huling nakasama ni Arriana bago siya nawala!" "And who said that?" "Nakita ka ng isa sa mga maid ni Arriana na kausap siya. She didn't hear anything pero mukhang nagmamadali ka raw. Sabay pa kayong pumasok sa kotse mo." "Sa kotse ko? Really? Sino ba ang maid na iyon nang makalbo ko at napakasinungaling!" "Ikaw ang sinungaling, Jane!" bulyaw ng binata. He grabbed her arm. "Saan mo dinala si Arriana?" Saglit na naglaban ang kanilang paningin. "Fine!" pagsuko ng dalaga. "Nagpunta nga ako sa bahay nina Arriana. Kinausap ko kasi siya. I wanted to help her surprise you. 'Yon lang." Nanginginig ang boses nito at nagkakandautal. "You're still lying. Sabihin mo na ang totoo!" "'Yon ang totoo. Gust

