NGUNIT bago pa man matamaan ni Xander si Seb ay nakaramdam siya ng panghihina. Nakawala si Seb at Arriana at unti unting bumalik sa dati nitong anyo si Xander. Ginamit ni Seb ang suot nitong kwentas. "Ano iyang kwentas na iyan? P-paano?" naguguluhang wika ni Xander. "Isa lang ang kilala kong katulad mo," wika ni Sebastian. "Sino ka?" tanong nito kay Xander. "Anak ko siya!" Napalingon silang tatlo sa pagdating ni Celeste na nagpapanggap bilang Therese. Sa harapan nilang tatlo ay nagbago ito ng anyo. "Tita?" nanghihilakbot na wika ni Arriana. "Reyna Celeste!" wika naman ni Sebastian. "Anak mo si Xander?" "Bakit mo ako kilala?" nagtatakang tanong ni Celeste kay Sebastian. "Sino ka?" Biglang naagaw ang kanyang pansin nang kumislap ang bato sa kwentas na nasa leeg ni Sebastian. "Baki

