KAGAYA ng nakagawian na niya kada hapon ay tumambay na muli siya sa may dalampasigan. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid, sa dagat pati sa mga naglalakihang bato. Hindi siya sumusuko sa pag-asang magkikita pa sila ni Sebastian. Sa pagkakaalala niya ay ito ang nagsabing kahit makabalik na siya sa piling ng kanyang pamilya ay magkikita parin sila at mag-uusap. "I'm here, Sebastian. I'm waiting," anas niya. Hanggang sa lumubog na ang araw ay wala pa ring senyales ng presensya ng sereno. Dumaan pa ang isang araw, hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Sebastian. She has to do something. Buo ang kanyang loob na makita ulit ito. Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog ng maayos. Gusto niyang patunayan sa sarili na totoo si Sebastian. Gusto niyang totoo si Sebastian. Salitan

