BIGLANG napabalikwas si Elise ng mapansing nasa ibang kuwarto siya. Halos manlaki ang mga mata niya ng maalala ang nangyari kagabi! Nagmamadali siyang bumangon at kaagad hinanap ang nighties niya. Namumula ang buong mukha niya habang nakapaskil sa kaniyang isipan kung paano na naman siya bumigay sa lalaking iyon! Nasampal ko pa ang sariling pisngi. Kung bakit nagawa kong magpakalango ng alak! Sinamantala naman tuloy ng manyak na lalaking iyon! Patakbo akong lumabas ng condo unit nito. Nahawakan ko pa ang sariling dibdib sa lakas ng kabog nito. Hanggang sa nanghihina akong napaupo sa single sofa. Pati mga tuhod ko, nanginginig! Napahilamos ako sa sariling mukha. Ano na naman ang mukhang ihaharap ko sa lalaking iyon? May paayaw-ayaw pa akong nalalaman, ako rin pala ang bibigay? Ka

