ILANG buwan ang nakalipas. Walang Gabriel na nanggugulo sa kaniya at walang nagpapasakit ng ulo niya. Ngunit 'di niya maitatanggi na paminsan-minsan, sumasagi ito sa kaniyang isipan. Na para bang namimiss niya ito? Na para bang hinahanap-hanap niya ang mga yakap at haplos nito sa kaniyang katawan? Ang mga halik nito na nakakawala sa katinuan? Lalo na kapag inaaro siya nito na talagang ikinalulunok laway niya sa t'wing naaalala ang mga bagay na iyon? Ngunit pilit niya iyong iwinawaksi sa kaniyang isipan. Ayaw niyang mainlove dito at patuloy pa rin siyang umaasa kay Tristan. Lalo na't nalaman niyang gising na ang binata at mukhang balak ng bumalik ng Pilipinas! Sa mga nakalipas ding buwan, tuluyan na ring nagising ang kaniyang ina-inahan at medyo magaling na rin ito. Kailangan lang

