KINAUMAGAHAN. Napalunok ako ng makitang abala ito sa sariling laptop. Nasa sala ito ng mga oras na iyon. Laking pasalamat ko nga at 'di nito ni-lock ang pinto ng kuwarto. Ilang minuto na akong nakatayo sa hagdan nang saka lang nito nagawang lumingon. Kumunot ang noo nito. "Anong itinatayo-tayo mo? Magluto ka nang almusal." Nahirapan akong lumunok. Pilit na itinatago ang sakit na bumalatay sa mukha ko. Tahimik akong tumungo sa kusina. Pansin ko ring malinis ang buong kabahayan nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng magsimula akong magluto. Ham, Eggs at Hotdog ang naisip kong lutuin para sa almusal. Nagsaing na rin ako. Alam ko namang bukod sa pagiging alipin sa kama, kasambahay din ang trato nito sa akin. Iyon ang nakalagay sa kasunduan nito. Ang gawin ko ang l

