NANLAKI ang mga mata ko ng makitang yakap-yakap ako ni Gabriel. Tulog na tulog pa rin ito. Pagtingin ko sa orasan, pasado alas otso na ng umaga. Dahan-dahan akong bumangon, ngunit bigla itong gumalaw at lalo akong niyakap. Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko naiwasang pagmasdan ang guwapong mukha nito. Ngunit ganoon na lang ang pamumula nang mukha ko ng bigla itong magmulat ng mga mata. Kaagad kong naiiwas ang paningin sa kaniya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin. Inalis na rin nito ang pagkakayakap sa akin at umupo ito ng maayos. Ganoon pa rin ang mga mata nito, walang mababasang anoman. Lihim tuloy akong napabitaw ng buntong hininga. "Okay na," mahinang wika ko. Nanatili akong nakayuko at ayokong masalubong ang malamig nitong mga mata.

