INIS na pinagmasdan ni Elise si Gabriel na lugmok na sa loob ng sasakyan. Kung bakit nagawa nitong magpakalasing alam naman nitong kasama niya ako? Kaya pala panay bilin nitong huwag akong titikim ng alak, at siya pala ang may balak na magpakalasing! Inis na napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kalsada. Wala akong choice kun'di ang maging driver nito. Mabuti na lang talaga marunong akong magmaneho ng sasakyan. Kung hindi, talagang mananatili sila buong magdamag sa loob ng sasakyan nito. Napalingon ako ng bahagya itong umungol. Sandali pa niyang pinagmasdan ang guwapong mukha nito. Nakatingala ito kaya naman kitang-kita niya ang adams apple nito. Kung tutuusin, ang guwapo-guwapo nito? Napalunok ako ng mapagmasdan ang labi nito. Bahagya pa iyong nakaawang ng kaunti. Mabiga

