GULAT na napatitig si Elise ng makitang prenteng nakaupo si Gabriel sa kanilang sofa. Hanggang sa napalingon ito sa gawi niya. Isang ngisi ang kumawala sa labi nito at saka tumayo. Doon niya lang din napansin ang bouquet na ngayon ay hawak-hawak na nito? Hindi na naman niya tuloy maiwasang pamulahan ng mukha. "Anong ginagawa mo rito?" kunwa'y ko itong inirapan. Ngunit bahagya lang umarko ang gilid ng labi nito. Bahagyang kumunot ang noo ko ng walang salitang i-abot nito sa akin ang bouquet na hawak-hawak nito. Wala man lang ka-sweet-sweet? Basta na lang iaabot? Lihim tuloy akong nainis. "Tinatanong--" Nang kunin nito ang kamay ko at kusang ilagay doon ang bouquet na hawak nito. Hindi makapaniwalang natitigan ko ang guwapong mukha nito. Kung minsan talaga, napaka-arogante ng

