CHAPTER 132

1729 Words

ISANG TAON ANG LUMIPAS.. Pigil na pigil ni Tristan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang asawang hindi maipinta ang magandang mukha nito. Kandahaba ang nguso nito at parang batang maiiyak. Paano ba naman kasi hindi ko mapagbigyan ang kahilingan nito at nasa tabi ko si Alina. Nandoon din sila Tyson at Tyler. Sa tuwing yayakapin ko naman ito, kaagad nitong hinahawi ang kamay ko. Bigla ring nanghahampas. "Mamaya na, kapag umalis na ang tatlong bata.." bulong ko sa asawa. Isang irap ang pinakawalan nito. Kitang-kita ko ang inis sa magandang mukha nito. 'Di ko nga akalaing kakaiba ang paraan ng paglilihi nito ngayong taon. Paano ba naman kasi, gusto nitong magtalik kami ng mga oras na iyon? E, nandoon ang mga anak namin. Ang nakakatawa pa, sumaglit lang daw kami sa loob ng banyo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD