CHAPTER 133

1710 Words

RAMDAM ni Tristan kung gaano namumuo ang pawis niya sa kaniyang noo habang pinagmamasdan ang asawa kung gaano ito nahihirapang manganak! Ang mga luha nitong sunod-sunod na nagsisibaksakan habang napapasigaw ito sa sakit! Mahigpit itong nakahawak sa kamay ko. Para siyang hindi makahinga ng maayos habang pinagmamasdan ang asawa kung paano ito napapasigaw nang paulit-ulit. Hindi niya akalaing ganito pala ang paghihirap ng mga babaing nanganganak! Lalo niyang napagtanto kung bakit ganoon na lang ang galit nito noon sa akin. Kung ganito ba naman kahirap ang daranasin nito habang nanganganak? Lalo na't tatlo bata pa ang iniluwal nito noon? Lalo akong napahanga at napamahal sa asawa. Napakatapang nito. Kahit wala ako sa tabi nito noon, kinaya nitong iluwal ng maayos ang tatlong bata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD