"MOMMY!" Napangiti ako ng makita ang tatlong anak. Isa-isang yumakap at humalik sa pisngi ko. "Kumusta ang school?" tanong ko sa mga anak. Agad namang humalik si Alina sa dalawang kapatid nito. Ganoon din ang ginawa nila Tyson at Tyler. Napapansin ko ngang umaaliwalas ang mukha ng mga ito sa t'wing nakikita ang dalawang kambal. "Okay lang, mommy. Mabait si teacher at marami akong ka-classmates!" wika ni Alina habang nakangiti. Grade 1 na rin ang mga ito. Ngunit kung pagmamasdan daig pa nilang Grade 3. Lalo na ang dalawang anak kong lalaki. Palibhasa nagmana sa ama, kaya malalaking bulas ang pangangatawan ng mga ito. "Kumusta naman ang dalawang prinsepe ko?" tanong ko sa dalawa na kanina pa tahimik. Kung sabagay, ugali na talaga ng mga ito ang pagiging tahimik. "Okay lang,

