HINDI makapaniwalang natitigan ni Elise si Gabriel na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Hindi niya akalaing pupunta nga ito? Akala pa naman niya nagbibiro lang ito kanina? Tumayo ito ng makita siya. Naramdaman pa niya ang pang-iinit ng magkabilaang pisngi niya ng makitang may dala-dala na naman itong bouquet. "Hi.." nakangiting wika nito. Kaunti na lang talaga, maipapakita ko na sa kaniya na tinatablan ako sa galawan nito? Daig pa kasi nitong nanliligaw? Kahit alam kung hindi naman? "Anong ginagawa mo rito?" Bahagya itong ngumisi. Lumapit sa akin at iniabot ang bulaklak. "Para sa iyo.." Hindi ko napigilang kagatin ang ibabang labi ko. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko. "Bakit mo ba 'ko binibigyan ng bulakalak?" Pansin ko ang paglunok nito. Ngunit 'agad ding tumikhi

