ISANG BUWAN ANG LUMIPAS. Nakakagat-labi ako habang nasa harapan ng condo unit ni Gabriel. Hindi na naman mapalagay ang kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon. Akmang kakatok ako ng biglang bumukas ang pinto. Ang nakangiting mukha nito ang sumalubong sa akin. "Good morning.." Kumibot ang labi ko. Halos hindi ko magawang tumitig sa mga mata nito. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit biglaan ang pagbabago nito? Hindi ako sanay?! Madalas itong seryoso at para bang may laman ang bawat ikinikilos nito? Gusto ko ngang isipin na baka nga seryoso ito nang sabihin nito noon na gusto akong maging nobya nito? Pero wala naman itong sinasabi? Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang ibig sabihin ng ikinikilos nito ngayon sa akin? Ngunit madalas itong magbigay o kaya naman magpadala ng bulaklak sa

