PARANG tanga na napapangiti si Gabriel habang pinagmamasdan sa cctv kung paanong magkandaugaga sa pagmamadali si Elise na tumakas sa kaniyang condo. Sa sobra nga nitong pagmamadali, naisuot nitong muli ang kaniyang t-shirt. At talagang natawa siya at isinuot rin ulit nito ang boxer niya. At saka ito nagsuot ng heels na gamit nito kagabi. In fairness nga at mas nagmukha itong hot and sexy kahit pa maluwag at panlalaking damit ang suot-suot nito. Nagmukha itong modelo sa stylish nito. Sinadya nga niyang umalis at alam naman niyang nahihiya ito pagkatapos ng kanilang pagtatalik. Ilang beses pa nga niya itong pinasadahan ng tingin bago siya tuluyang lumabas ng condo. Kung siya lang ang masusunod, hindi niya ito nais iwanan o kung p'wedeng ikulong na lang niya ito sa condo niya. Hin

