ILANG minuto na yatang tulala si Elise sa kakaisip kung anong dahilan ng pagpunta ni Tristan sa ibang bansa? Dahil sa kadesperadahan niyang makuha si Tristan, binalak niyang puntahan din ito sa probinsya. Ngunit laking gulat niya ng malamang tumungo na pala ito ng United States kasama ang lola nito. Naging palaisipan sa kaniya ang biglaang pag-alis nito. Sa isiping hindi ito pinatawad ng babaing si Alisha, may pagbubunyi sa kaniyang puso. Ngunit naroon ang kalungkutan at hindi rin niya ito makikita. Hindi niya alam kung kailan ito babalik ng Pilipinas? Ngunit hindi naman siya nawawalan ng pag-asa. Umaasa siyang oras na maka-move on ito sa babaing si Alisha, siya naman ang magpapapansin sa binata. Kailangan niya lang talagang iwasan ang Gabriel na iyon at talagang magiging panira

