SEXY elegant red dress ang suot-suot ko. Lihim akong napapangiti at kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ng mga kalalakihan. Halos mabali na ang leeg nila sa kakalingon sa akin. Ngunit ang ipinagtataka ko, wala yatang lumalapit sa akin? Kahit na kitang-kita ko naman kung gaano lumuwa ang mga mata nila sa kakatitig sa akin? Aba! May ipagmamalaki yata ang malusog kong dibdib? Kaya nga ito ang napili kong isuot at bahagyang nakikita ang pisngi ng dibdib ko? Hindi naman yata ako papayag na matalbugan ng kahit sinong babae na narito sa malawak na bulwagan? Itinali ko rin ang mahabang buhok ko upang makita nila ang ganda at hubog ng katawan ko. Nakikita rin ang makinis kong hita at may split iyon sa kanang bahagi ng legs ko. "Napapansin mo ba ang napapansin ko, bestie?" bulong ng

