NAPALUHA si Donya Elizabeth ng makitang tulala ang kaniyang apo habang nakaupo sa ibabaw ng kama nito. Halata sa guwapong mukha nito, na labis itong nanghihina. Halata rin dito na hindi pa talaga ito magaling. Hinayaan lang nitong natutuyo ang mga labi nito. Habang tumatagal, pabagsak nang pabagsak ang pangangatawan nito. Hindi niya lubos matanggap na hindi pa pala talaga ito tuluyang nakaka-recover. Kung sana nakinig siya sa payo ng Doctor sa United States, hindi sana ito mangyayari. Ngunit ang aking apo, nais na nitong umuwi rito sa Pilipinas. Ngunit wala rin itong napala? Hindi rin ito pinakinggan ni Alisha. At ngayon, mukhang bumabalik ang sakit nito? Labis siyang nababahala at baka 'di na nito magawang lumaban pa? Ngunit hindi niya hahayaang mangyari iyon. Kung kinakailangang,

