HALOS nahigit ni Alisha ang kaniyang paghinga ng makita kung sino ang kanilang bisita. Si Donya Elizabeth! Bigla siyang kinabahan ng makita ang seryosong mukha nito. Ngunit lihim siyang nakahinga ng maluwag ng marahan 'agad itong ngumiti. Ngunit mababanaag sa mga mata nito ang matinding kalungkutan. Mukha nga itong nanggaling sa pag-iyak? Kausap nito ang kaniyang inay at itay. Halata ngang masinsinan ang kanilang pag-uusap. Hindi rin nakaligtas sa akin ang panunubig ng mga mata ng aking inay? Bigla siyang napalunok. Muli niyang naramdaman ang matinding kabog ng dibdib ng maalala si Tristan. Dalawang Linggo na ang nakalilipas, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng aking inay. Simula nang umalis si Tristan, lagi na lang nanunubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya maintindihan, nguni

