ILANG Linggo ang mga nakalipas. Lalo kong napapansin ang lungkot sa mukha ni Tristan. Lagi rin mainit ang ulo nito. Hanggang ngayon, ipinapahanap pa rin talaga nito si Elise Montellion. May mga oras na nakikita kong nakatulala ito. Panay hugot din nito ng mabigat na buntong hininga. Sa tuwing titingin naman ito sa akin, may kasama pang irap! Naging suplado nga e! Hindi ko na lang ito pinapansin. Noong huling pag-uusap namin ni Donya Elizabeth, tuwang-tuwa pa itong nagiging ganito ang kaniyang apo. Hayaan lang daw muna namin na maging ganito ang kaniyang apo. Hindi ko alam kung anong pinaplano ng donya. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod dito. Ang totoo, gusto ko sanang itanong dito kung kailan ba ako p'wedeng mag-resign? Mukhang hindi na rin naman babaero ang kaniyang apo.

