NAPALINGON ako ng bumukas ang pintuan. Nang mga oras na iyon, nasa loob ako ng library ng Donya Elizabeth. Bigla akong napaiwas ng tingin ng sandaling magtama ang mga mata namin. "Apo.." Lumapit ito at hinalikan sa pisngi ang lola nito. "May kailangan ka ba?" tanong ng donya. Lihim akong napalunok at umupo ito sa tapat mismo ng inuupuan ko. "May business trip ako sa Singapore. Aalis ako next week." Tumango-tango ang donya. Sandali pa ako nitong sinulyapan. "Magtatagal ka ba roon?" Nagtaka ako at tumingin ito sa akin. "Hindi ko masasabi, grandma. Why?" Sabay baling sa lola nito. "Naitanong ko lang. Pauuwiin ko muna tuloy si Alisha upang makapag--" "Isasama ko siya." Gulat akong napatitig sa guwapong mukha nito. Nakakunot ang noo nito ngunit nakatitig naman sa mukha ko! Na

