MARIING napapikit si Alisha ng magsimulang umandar ang eroplano. Pati paghinga niya nagtataas-baba sa sobrang kabang nararamdaman niya. Panay lunok din niya. Ang dalawang kamay niya mahigpit na nakahawak sa magkabilaang side ng kaniyang upuan. "Omg!" sambit ko sa sarili ng maramdamang umalog-alog ang eroplano. Hanggang sa napayuko ako habang nakapikit ng mariin ng maramdamang paakyat na ang eroplano. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako sa sobrang takot! Hindi ko naman kasi akalaing ganito pala ang eroplano sa unang lipad? Bigla akong napamulat ng mga mata ng maramdamang may umupo sa tabi ko. Si Tristan. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa magazine na binabasa nito. Ano naman kayang ginagawa niya rito at naisipang tumabi sa akin? Kanina lang nasa kabilang upuan ito at parang

