CHAPTER 147

1524 Words

TATLONG araw ang lumipas. Lihim na nakakahinga ng maluwag si Elise at hindi niya natitiyempuhan ang lalaking si Gabriel. Sinasadya niyang taguan ito. Dahil 'di siya papayag sa gusto nitong mangyari! Hindi pa siya nasisiraan ng ulo upang maging alipin nito sa kama! Labis-labis ang kabog ng dibdib niya sa t'wing lumalabas at umuuwi siya ng condo unit niya. Natatakot siyang matiyempuhan siya ng manyakis na lalaking iyon. Nitong araw nga, natulog na lang ako rito sa loob ng hospital kung saan naka-confine ang aking ina. Para iwas na rin sa maaaring pagkikita namin ni Gabriel. Ngunit may pagkakataon talagang kailangan ko pa ring umuwi ng condo para kumuha ng ilang pamalit ko. Katulad ngayon, labis-labis ang hiling ko na sana hindi ko ito makasalubong sa hallway o kahit sa elevator.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD