SANDALING natulala si Elise sa harapan ng condo unit ni Gabriel. Ilang beses pa siyang napalunok bago nagawang kumatok. Hanggang sa bigla siyang napakunot-noo. Mukhang wala yata ang lalaking iyon? Ilang minuto na siyang nakatayo, ngunit walang nagbubukas ng pinto? Mahina siyang napabuntong hininga bago muling sinulyapan ang maliit na papel na hawak-hawak niya. Imposible namang magkamali ang staff na nagbigay nito sa akin? Kumibot ang labi niya. Mas piniling umalis na lamang. Ngunit bigla siyang napahinto ng marinig ang pagbukas ng pinto. Muling kumalabog ang kaniyang dibdib. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon. Ganoon na lang ang paglunok niya ng makitang nakatapis lang ito ng tuwalya? Nahigit niya rin ang kaniyang paghinga. 'Di niya napigilang 'di matitigan ang bato-bato

