BIGLANG napaluha si Elise ng malaman ang malubhang karamdaman ng kaniyang ina. Kailangan nitong maoperahan sa madaling panahon. Ngunit napakalaki ng perang hinihingi ng mga ito? Halos mauubos ang lahat ng perang nasa bangko at baka pati bahay nila rito sa US maibenta na rin niya? Baka nga pati bahay nila sa Pilipinas, maibenta na rin niya at kailangan pa niyang i-maintain ang mga gamot ng ina kung saka-sakali? Bagsak ang balikat na lumabas siya ng hospital. Humingi siya ng isang araw pa upang makapag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang masuportahan ang itinuring na ina? Muntik na siyang masagasaan kung 'di siya nahila ng kung sino. Kung bakit bigla siyang natulala habang tumatawid sa kalsada. "Magpapakamatay ka ba?" Bigla akong napaangat ng tingin. At talagang hindi ako ma

