TATLONG BUWAN ANG NAKALIPAS.. ILANG araw ng wala sa sarili si Gabriel sa kakaisip sa dalagang si Elise Montellion. Simula ng bumalik sila ng maynila, nabalitaan niyang kaagad itong tumungo sa ibang bansa. At hanggang ngayon 'di pa rin ito bumabalik ng Pilipinas. Hindi niya alam kung ipinagtapat ba ng ina-inahan nito ang tunay na pagkatao ng dalaga. May kung anong lungkot din siyang nararamdaman at para bang balewala lang sa dalaga ang ilang beses na namagitan sa kanilang dalawa? May kung anong sakit na para bang wala lang ang lahat dito? Hindi naman kasi sila nag-usap pa ng kinaumagahang nagising ito. Bumalik ito sa pananahimik kaya naman hindi na lang niya ito kinulit. Hindi niya nga lang inaasahan na kaagad itong aalis ng Pilipinas at babalik ng ibang bansa. Para bang nasasak

