WALONG buwan ang nakalipas. Tulala akong nakatanaw sa bintana. Isang buwan na lang manganganak na ako. Pumatak ang luha sa mga mata ko. Ang sakit isiping sa loob ng ilang buwang lumipas, hindi man lang nagparamdam si Tristan. Ni hindi man lang ito nangungusmusta. Samantalang alam naman nito ang number ko. Sa kabila ng mga nagawa nito sa akin, naniwala pa rin ako sa kaniya. Na mahal na mahal ako nito? Ngunit nasaan ito? Mapait akong napahikbi. Napakatanga ko 'ata talaga siguro. Para maniwala sa mga sinabi nito. Kahit naman may sakit ang Grandma nito, magagawa nitong magparamdam kahit man lang sa chat. Pero wala! Hindi ko akalaing hanggang salita lang ito at wala sa gawa! Kahit man lang sa mga anak na lang namin, nagawa nitong kumustahin, pero hindi nito nagawa! Anong klasin

