NATIGILAN ako ng makitang nakaupo si Tristan sa sala. "Anong ginagawa mo rito?" inis na tanong ko. Bigla itong napaangat ng tingin sa akin. "Baby, p'wede ba tayong mag-usap?" nagsusumamo ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Huwag na huwag mo akong matatawag na baby? At wala na tayong dapat pang pag-usapan, Tristan. Kaya kung maaari lang umalis ka na. Hinding-hindi ako natutuwa na nakikita 'yang pagmumukha mo rito sa pamamahay namin. Sa ginagawa mo, lalo mo lang akong ginagalit. Hangga't nakikita kita, hindi maglalaho ang pagkasuklam ko sa iyo." Punong-puno nang kaseryosohan habang titig na titig sa mga mata nito. 'Di nakaligtas sa akin ang paglunok nito. Ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Alam kong nahihirapan na ito? Ilang Linggo na yata ito rito sa probinsya? Nagawa

