HALOS nanigas sa kinauupuan si Tristan ng malaman mula sa mahal niyang grandma na walang kakambal si Alisha! Parang gusto niyang suntukin ang sarili ng mga oras na iyon! Bigla siyang ginapangan ng matinding takot! Anong ginawa ko? "Paanong nagkaroon siya ng kamukha? At ang pangalang ibinigay niya sa akin ay nasa pangalan ng babaing Elise Montellion na iyon?" naguguluhang wika ko sa sarili. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Posibleng may inililihim ang kaniyang ina, apo. Ayon sa pag-imbestiga ko sa pamilya niya, dalawa lang silang magkapatid. Wala siyang kakambal." Napalunok ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa mga nalaman. Napatingin ako rito ng hawakan nito ang kamay ko. "Paiimbestigahan ko ulit ang pamilya niya. Posibleng may nangyari noong panahong nanganak an

