DALAWANG LINGGO ANG NAKALIPAS. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Alisha habang nakatanaw sa mataas na building. Napakagat-labi siya ng maalala na naman si Tristan. Uminit ang magkabilaang sulok ng kaniyang mga mata. Sa loob ng dalawang linggong nakalipas, hindi nito nagawang magparamdam sa kaniya. Sa isiping totoo ngang mababaw lamang ang pagmamahal nito sa kaniya, labis siyang nasasaktan. Walang araw na hindi siya napapaiyak sa tuwing naaalala ang masasakit nitong pananalita. Ngunit kailangan niyang tanggapin na 'di siya nito totoong minahal. Napakurap-kurap siya upang maglaho ang luhang namuo sa kaniyang mga mata. Isang mabigat na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. Lumapit siya sa receptionist. Pagkabanggit niya sa pangalan ni Gabriel 'agad nitong sina

