BIGLANG napabangon si Tristan. Napapikit pa siya ng bahagyang kumirot ang kaniyang ulo. Kumabog ang dibdib niya ng maalala ang nangyari kagabi. Nagmamadali siyang tumayo at tumungo sa kuwarto ni Alisha. Ilang beses siyang kumatok ngunit walang nagbubukas. Hanggang sa mapansin niyang hindi iyon naka-lock. Sandali siyang natigilan ng mapansing walang bakas na naroon ang dalaga. Bigla siyang napalunok. Ayaw niyang tanggapin na totoo ang lahat ng nangyari kagabi. Umaasa siyang isang panaginip lang iyon. Bumigat ang kaniyang mga paa habang patungo sa closet area ng dalaga. Hanggang sa buksan niya ang mga iyon. Parang sinuntok ang dibdib niya ng makitang wala na ang lahat ng gamit nito. Biglang bumigat ang kaniyang paghinga. Parang kumirot din ang kaniyang puso! Bahagyang nanginig an

