MALUHA-LUHA ako habang nakatutok sa computer. Tatlong araw na hindi man lang nagpakita ni nagparamdam si Tristan. Mukhang nasaktan ito sa mga sinabi ko noong mga nakaraang araw. In-unblock ko na ito lahat-lahat pero wala man lang mensahe. Hindi ko maiwasang masaktan at alam ko naman talagang mahal ko iyong tao. Hindi ko rin maitatangging miss na miss ko na ito kaagad. Suminghot ako at pinunasan ang gilid ng mga mata ko. Kumurap-kurap pa ako upang mawala ang panlalabo ng mga mata ko. Kung minsan naiinis ako sa lalaking iyon. Bukod sa napakaselosong tao, masyado ring matampuhin! Imbis na magpursigi, bigla pang naglaho! "Kakainis!" biglang sambit ko sa sarili. Ni 'di ko magawang makapag-concentrate sa ginagawa ko. Maya't maya kasi itong pumapasok sa isipan ko. ORAS ang lumipas

