KANINA pa nangangalay ang mga binti ni Alisha. Ngunit hindi man lang marunong maawa ang kaniyang babaerong amo at talagang hinahayaan lang siyang nakatayo sa gilid nito. Ilang beses na rin siyang napapabuntong hininga. Ngunit parang manhid ito at walang pakialam. O sadyang gusto lang siya nitong pahirapan? Napapalunok siya habang nakatitig sa mahabang sofa na nasa 'di kalayuan. Gustong gusto na niyang makaupo kahit sandali lang. Hindi niya inaasahan na ganito ang trabaho ng Personal Assistant. Nakatayo lang habang nasa isang tabi at nakatunghay sa amo? Tinitigan niya ang babaerong si Tristan. Tutok na tutok ito sa computer. Hanggang sa pasimple siyang humakbang para sana tumungo sa sofa. "Hindi kita inuutusang umalis diyan." Bigla akong napahinto sa paghakbang. Pagpihit ko paha

