Nakabusangot ang mukha kong pumasok sa loob ng boarding house na tinutuluyan ko. Kanina pa hindi maalis ang pagka-inis ko sa lalakeng iyon.
Masama na nga ang loob ko na hindi ako natanggap sa kompanya na in-apply-an ko, nakasalubong ko pa ang mayabang na lalakeng iyon!
"Oh bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Pia.
Inirapan ko naman ito. Halata naman kasing nagpipigil itong matawa sa reaksyon ng mukha nito.
Ito ang kasa-kasama ko rito sa loob ng kuwarto. Pang dalawahang tao naman kasi ang lawak ng kuwarto.
Matalik na kaibigan ko ito. Sabay kaming lumuwas ng maynila para maghanap ng trabaho.
"Kumusta? Nakapag-apply ka ba bes?" Sabay tabi nito sa akin.
Bumitaw ako ng mabigat na buntong hininga.
"Oo, pero hindi ako natanggap." Nainis na naman ako ng maalala ang sinabi ng babae.
Miss, you are not passed what you are applying for. That's not the kind of clothing and facial makeup that is accepted here.
Napabuga ako ng hangin.
Napakunot ang noo ko ng tumawa ang kaibigan ko. Ngunit 'agad ding tinakpan ang bibig.
"Huhulaan ko kung bakit hindi ka natanggap?" Pigil na pigil nito ang matawa ng malakas.
Marahas akong tumayo at naghanap ng damit na pamalit.
"Dahil sa pananamit mo bes. At tingnan mo naman ang ayos ng mukha--"
Napahinto ito ng lingunin ko ito. Ngumiwi ito at sabay peace sign.
"Sinabi ko naman kasi sa iyong hintayin mo ako at ako ang mag-aayos sa iyo. At papahiramin din kita ng maisusuot mo."
Lalo lang akong nakaramdam ng inis sa sarili lalo na nang maalala ang mayabang na lalake. Sinabihan ba naman akong parang bumangon mula sa coffin!
Mabilis akong tumungo sa salamin. Biglang pinamulahan ang mukha ko ng makita ang itsura ko.
Ang puti nga naman ng pagmumukha ko at ang kapal ng kilay! Pati lipstick ang kapal! Gulong-gulo rin pala ang buhok ko!
"Kainis! Bakit ganito ang itsura ko?! Hindi naman ito ganito kanina pag-alis ko?" Napasabunot ako sa sariling buhok.
Nang umalingawngaw ang halakhak ng kaibigan ko. Hawak-hawak pa nito ang tiyan.
"Ngayon nalaman mo rin kung bakit nagpipigil akong tumawa kanina pa!" bulalas nito. Pulang-pula ang mukha nito kakatawa.
"Hindi ko akalain na ganiyan pala ang styli--"
"Bes?!" inis na wika ko.
Humagighik naman ito.
Mabilis akong tumungo sa banyo at naghilamos.
"Sinabi ko naman kasi sa iyo bes, hindi mo kailangang maglagay ng kahit ano sa mukha mo dahil natural ang kagandahan mo. Kung bakit naglagay ka pa ng makeup hindi ka naman pala marunong," panenermon nito.
"Eh, iyon ang kailangan nila e! Tapos hindi naman pala ako matatanggap dahil sa itsura ko raw!" palatak ko.
Tumawa na naman ito ng malakas.
"Paano ka nga naman matatanggap kung ganiyan ang itsura mo? Kung nakinig ka sa akin at hinintay mo ako e 'di sana lalo kang gumanda' t nagningning! Tiyak kong tanggap ka 'agad!"
Napakamot ako sa ulo.
"Hayaan mo na. Maghahanap na lang ako ng ibang kompanya na hiring," wika ko na lang.
"At sa susunod, ako na ang mag-aayos. Kung bakit ganiyan ang suot mo." Sabay ngiwi nito.
"Anong masama sa suot ko? E, ganito na ako manamit noon pa man."
Tumirik ang mga mata nito. Lumabas na naman ang kaartehan ng kaibigan kong ito.
"Bes, mag-aapply ka 'di ba? Hindi mo puwedeng dalhin ang paraan ng pananamit mo sa bahay o sa kinalakihan mo dito sa kamaynilaan. Pagtatawanan ka nila. Lalo na't malalaking kompanya ang in-apply-an mo. Kailangan class ang dating hindi iyong sinaunang panahon."
Ako naman ang napairap. Ito ang ayaw ko sa maynila. Daming kailangang baguhin.
Kung wala lang akong kapatid na nag-aaral, hindi talaga ako luluwas dito. Marami naman sa probinsya na maaaring pasukan lalo na't nakapag-tapos naman ako. Ang kaso, masyadong mababa ang sahod. Hindi sasapat.
Walang trabaho ang nanay ko. Jeepney driver lang din ang tatay ko.
"Mabuti't hindi ka napagtawanan?" tanong nito. Nabungisngis na naman ang mukha nito.
"Sayang-saya ka sa itsura ko ha?"
Mabilis naman ako nitong niyakap.
"First time ko kasing nakita na pumangit ang pinaka-magandang dilag sa lugar namin!" Sabay hagighik nito.
Hindi ko naiwasang mapangiti. Sobra nga namang nakakatawa ang itsura ko kanina.
Siguro dahil iyon sa dyip kanina. Ang lakas kasi ng hangin kaya nagulo ng husto ang buhok ko. Wala pa naman akong dalang suklay.
Naglagay din ako ulit ng pundation sa mukha na hindi ko tiningnan sa salamin ang itsura. Kaya nagmukha akong patay!
Sa pagmamadali ko, hindi ko na rin napansin ang labi ko na nasobrahan sa lipstick!
Masyado yata akong nasanay na tinatawag na maganda sa lugar namin, kaya akala ko kahit maglagay ako ng makeup, still, maganda pa rin ako. Mukhang nagkamali ako.
O sadyang hindi lang talaga ako marunong maglagay ng makeup!
"OMG! really?"
"Bakit mukha ka pang kinikilig?" taas kilay na tanong ko sa kaibigan.
Na-ikuwento ko kasi rito ang pangyayari doon sa mayabang na lalakeng nakabunggo sa akin.
"Guwapo ba siya bes? I'm sure, hot--"
"Tumigil ka nga. Naiinis ako sa mayabang na iyon! Lalong nasira ang araw ko." Nakabusangot ang mukha ko.
"Baka ang araw niya ang nasira ng makita ang itsura mo bes?!"
Binato ko ito ng unan. Isang malutong na halakhak ang pinakawalan nito.
ILANG araw akong nagmukmok. Wala pa ring balita sa lahat ng in-apply-an ko. 'Di na sasapat ang pera ko sa susunod na buwan kung mananatili akong tambay dito sa maynila.
Mabuti pa ang kaibigan ko, natanggap 'agad sa trabaho. Natanggap ito bilang Accountant sa isang company.
Bigla akong napatayo ng mag-ring ang cellphone ko. Unknown number?
Baka isa sa mga in-apply-an ko.
"Yes, hello?" Nanginginig pa ako sa sobrang excite.
"Is this Alisha Perez?" Bigla akong napalunok.
"Yes, ma'am. Sino po sila?" kaagad na tanong ko. Hindi na ako makapaghintay.
"This is Morris Shawn company. You have an interview tomorrow at 8am in the morning. See you."
Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit tulala pa rin ako.
Hindi makapaniwala. Ang pagkakatanda ko, hindi ako natanggap sa kompanyang iyon?!
Napahinto ako ng maalala ang resume. Ngunit 'agad din akong napangiwi. Iyong litrato kasing nakalagay doon ay lumang-luma na. Mga panahong dalaginding at payatot pa ako.
Napasuklay ako sa sariling buhok. Kaya siguro walang tumatawag sa akin dahil sa litrato ko. Pero bakit ang Shawn company tumawag sa akin for interview?
Naalala ko pa kung paano ako tanggihan ng babae sa company na iyon. Pero kinuha pa rin naman nito ang resume ko.
Ang pagkaka-alam ko naman kasi sa panahon ngayon hindi sila bumabase sa litrato. Kaya kampante ako na pagtiyagaan ang lumang litrato.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message?
Kumunot ang noo ko ng magbigay ng address ang Shawn company.
So, hindi mismo sa company ang interview? Kun'di sa isang restaurant?
Seryoso ba ito? Baka manluluko ang tumawag sa akin?
Napabuga ako ng hangin. Ang dami pa namang manluluko sa panahon ngayon. Pero wala naman akong pinagbigyan ng mga resume ko, kun'di sa mga kompanyang ina-apply-an ko lang.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng tumunog itong muli.
"Mismong may-ari ng company ang mag-i-interview sa iyo Miss Perez. So, prepare yourself and wear formal attire."
Napa-awang ang labi ko sa pagkagulat.
Mismong may-ari? Pero bakit?!
Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Bigla akong nakaramdam ng nerbyos. Paano na lang kung malalalim ang katanungan nito at English pa? Hindi ko masagot?
Napasabunot ako sa sariling ulo.
Ano ka ba naman Alisha? Matalino kang tao, okay? Mas matalino ka pa nga sa kaibigan mo, nakapasa siya. Ikaw pa kaya? Kaya mo iyan!
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Sa daming position na hiring sa Shawn company, hindi ko alam kung aling position ako maaaring ilagay.
Ang tanong, makapasa kaya ako sa interview?
Kung bakit may-ari pa ang mag-i-interview! Ngayon pa lang nanginginig na mga kamay ko e!