Chapter 4

1309 Words
NAPAKURAP-KURAP ako ng makita ang sarili sa salamin. "OMG!" biglang bulalas ko. Natawa naman ang kaibigan ko. "O ano bes? Hindi ka makapaniwalang ganiyan ka kaganda no?" proud na sambit nito. Para akong tanga na napatulala at bahagyang hinaplos ang pisngi ko. "Sinasabi ko sa'yo bes, 'di ka pa naiinterview pasado ka na 'agad!" palatak nito. Napalingon naman ako rito. Kunwa'y inirapan ito. "Ang ganda ko naman sa ayos kong ito." Humagighik naman ito. "Ang sabihin mo, sadyang maganda ka na talaga!" Kumibot ang labi ko. "Kinakabahan ako," pag-amin ko sa kaibigan. 'Di ko pa rin talaga lubos maisip kung bakit ang may-ari ng Moris Shawn Company ang mag-iinterview sa akin. Hinawakan nito ang magkabilaan kung balikat. "Ano ka ba naman bes? Walang mangyayari kung paiiralin mo ang kabang nararamdaman mo. Be confident okay? Sa talino mong 'yan, masasagot mo ang mga katanungan niya." Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Iba naman kasi ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo no'ng in-interview ka, bes. May-ari ng kompanya ang makakaharap ko!" problemadong wika ko. Ito naman ang napabuntong hininga. "So, aatras ka? Pagkatapos kitang pagandahin? Ayusan ng bongga-bongga? Suportahan? Pahiramin ng bagong damit?" "OA ha?" Tinaasan ko ito ng kilay. Napangiti naman ito. "Ikaw kasi! Ang drama mo. Kung ako sa'yo, umalis na tayo at baka mahuli pa tayo, talagang mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa nating effort!" Muntik pa akong matapilok sa sapatos na suot-suot ko. "Wala ka bang flat shoes, bes? Ang taas naman nito?" reklamo ko. "Ano ka ba? 3-inch lang naman 'yan. Kailangan mong masanay sa ganiyan at sa malalaking kompanya, may mga heels ang suot nila." Napahaba na lang ang nguso ko. Kung hindi lang talaga sa pamilya ko, 'di ako luluwas sa maynilang ito. Pakiramdam ko tuloy, lagi akong mae'stress. Paano ba naman kasi makita ko lang ang traffic, halos 'di na ako makahinga! NAPAAWANG ang labi ko ng makita ang restaurant na tinutukoy sa address na binigay sa akin. "Wow, bongga! Makakapasok ka sa restaurant na 'yan bes?!" bulalas nito. Napalunok naman ako. Parang gusto ko 'atang umatras! Nangatog ang mga tuhod ko. Ang class ng restaurant. Talagang para lang sa mayayamang tao! "Parang gusto ko na lang umuwi--" Nang bigla ako nitong hampasin sa braso. Pero mahina lang. Kuntodo irap ito. At talagang pinanlakihan pa ako ng mga mata. "Nandito na tayo, aatras ka pa? Naku naman bes! Ang mahal ng pamasahe ha! Isipin mo na lang ang kapatid mo na nag-aaral? Isipin mo ang mga magulang mo? Hindi pa ba sila sapat upang maging matatag ka? Hindi naman tigre ang makakaharap mo bes? Tao pa rin naman!" Akala ko tapos na ito sa kakatalak. "Pera lang ang lamang nila sa 'tin bes. Pero pare-parehong mabaho ang mga tae--" Nang bigla akong matawa. "Oh bakit? Totoo naman ah?" Taas kilay pa nito. Alam ko naman na pinapalakas lang nito ang loob ko. "Oo na, oo na! Naiintindihan ko na po 'nay!" pagbibiro ko sa kaibigan. Napabuga naman ito ng hangin. "Then go! Be confident hmp?!" At saka ako nito itinulak. "Hihintayin na lang kita dito sa labas." Sunod-sunod akong napalunok. Sandali akong pumikit. Nag-exhale - inhale. Kaya mo 'yan Alisha! "Good morning, maam!" magalang na bati sa akin ng security guard. "Hello po, itatanong ko lang po sana kung--" Hindi pa ako nakakatapos magsalita ng may isang waiter na lumapit sa akin. "Hi ma'am, ikaw po ba si Miss Alisha Perez?" "Ah ako nga po!" maagap na sagot ko. Ngunit 'di ko maiwasang magtaka kung bakit kilala ako nito? Hindi kaya inihabilin na ako ng may-ari ng Moris Company sa mga ito? "This way ma'am," magalang na wika nito sa akin. Biglang kinabog ang dibdib ko. Huwag sabihing naunahan pa ako ng may-aring dumating dito?! Naku po! Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko. Hanggang sa domoble ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita sa pinakadulo ang isang matandang ginang. Sa itsura palang nito, napaka-donyang tingnan! Lalo na sa postura nito, talagang mapaghahalataang mayamang tao. Kumikinang din ang relong suot-suot nito. Pero nakakapagtakang, wala itong ibang alahas sa katawan? "Donya Elizabeth, nandito na po ang hinihintay niyo." Omg! Nang paunti-unting umangat ng tingin ang matanda. Bigla akong napalunok. Nanginig 'ata ang mga kamay ko! Relax, Alisha! "G-good morning po Donya!" Sabay yuko rito. Lihim pa akong napapikit at kandautal-utal ako. Pakiramdam ko nga, bagsak na 'agad ako sa matanda! Lalo akong kinabahan at para itong natulala. Napakurap-kurap pa ng mga mata. Para bang 'di ito makapaniwala sa nakikita nito? Nagtaka naman tuloy ako. Baka nagkamali ang waiter na iyon! Ang sinabi pa naman ng babaing nag-text sa akin for interview, banggitin ko lang daw ang pangalang Mrs. Moriss Shawn sa restaurant na ito at ihahatid lang daw ako sa uupuan ko upang hintayin ang may-ari. Pero 'di nito sinabi ang pangalan ng may-ari ng kompanya. Hindi kaya nagkamali nga ang lalaking iyon? Akmang magsasalita ako ng mapansin ko ang pagkunot ng noo nito. Kulubot man ang mukha nito gawa sa katandaan, pero 'di maitatangging maganda ang ginang. "Alisha Perez, I am right?" Paninigurado nito. "Opo, Donya. Ako nga po!" At bahagyang ngumiti sa matanda. Napalunok naman ako at nanatili pa rin ang pagkakakunot ng noo nito. Para bang hindi ito naniniwalang ako nga si Alisha Perez! "Oh, have a seat!" Para itong natauhan. " I'm sorry, medyo nagulat lang ako." At doon umaliwalas ang mukha nito. Lihim naman akong nakahinga ng maluwag. Pati pag-upo ko, halos hindi ko ilapat ang puwetan ko. Masyado akong nahihiya at pati upuan halatang mamahalin! "Bago tayo, mag-usap kumain muna tayo." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Hindi naman po ako, Donya nagugutom. At baka hindi ko rin mabayaran--" Nang bigla itong matawa. Pati pagtawa ang sosyal! "Don't worry, hija. Akong bahala sa lahat. 'Wag kang mahiya." Napalunok ako ng ilapit nito ang isang menu sa akin. Gusto kong pagalitan ang sarili at nanginginig ang kamay ko! Pinagpapawisan pa! Mukhang napansin nito na hindi naman ako namimili. Napaangat ako ng tingin ng bigla itong tumikhim. "I understand. Ako ng mag-oorder para sa iyo." At ngumiti ito. Para akong tanga na napapatulala. Hindi ko akalain na talagang ngingiti ito sa isang tulad ko? Akala ko ng makita ko ito kanina, masyado itong strikto. Pero ang genuine ng ngiti nito? Totoo kaya ito? O mapagpanggap ang mayayaman? Pero bakit naman ito magpapanggap sa akin? "Pero--" "No more buts kung gusto mong makapasa sa Moris Company." Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko. Sandali rin akong napayuko. "Anyway.." Napaangat ako ng tingin. Nakakunot na naman ang noo nito, ngunit nakatingin ito sa folder na hawak-hawak nito. Mukhang alam ko na kung ano iyon. Iyong resume ko 'ata. Kinabahan na naman ako ng tumitig ito sa akin. "Ikaw ba talaga ang nasa picture na ito?" Muntik na akong mabilaukan ng sariling laway. Namula rin ang mukha ko sa pinipigilang matawa. "Ah, opo donya." Sabay lunok. Tumango-tango ito. "Ang layo kasi.." Doon ako biglang natawa ngunit 'agad ko ring natakpan ng kamay ko. "Sorry po." Sabay yuko. "Ano po kasi, lumang picture ko na po 'yan donya. Noong bagets pa po ako. Hindi na po kasi ako naka--" Napahinto ako ng dumating ang waiters na may dala-dalang pagkain. Biglang kumalam ang sikmura ko ng makita ang masasarap na pagkain! Pero syempre, patay malisya tayo. At baka isipin ng matanda, patay gutom ako! "Kumain na muna tayo." Marahan akong napatango. "Don't be shy. Ang ayaw ko pa naman sa lahat iyong mahiyain." Kagat-labi akong sumandok ng pagkain. "Hindi ko akalain na ganiyan ka kagandang dalaga." Biglang namula ang mukha ko sa papuri nito. "S-salamat po. Medyo gumanda lang gawa po ng make-up," ngiwing paliwanag ko. Ngunit umiling ito na may ngiti sa labi. "Alam kong maganda ka. 'Di ako nagkamali sa pagpili sa'yo." Napaawang ang labi ko. Labis akong nagtaka at ngumiti na naman ito sa akin! Pasado na ba ako kaagad?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD