DALAWANG Linggo ang nakalipas. Walang araw na hindi ito nagpapadala ng bulaklak. Ang ikinakalungkot ko, hindi na ito nagpapakita pa. Naniwala pa naman ako sa sinabi nitong hindi ako nito susukuan. Pero nasaan na ba ito? Hindi ko tuloy magawang maging masaya kahit pa ang gaganda ng mga bulaklak na ipinapadala nito sa akin. Hindi ko rin maitatangging nakakaramdam ako ng panghihina at dalawang linggo ko na itong hindi nasisilayan. Hindi ko alam kung sumuko na ba ito o ano? Bigla-bigla na lang naglaho? Wala man lang pasabi kung ano nang nangyayari dito? Anong silbi ng mga bulaklak kung wala naman ang taong nagpapabigay nito? Maliligawan kaya ako ng mga bulaklak? Bigla akong napanguso. Nakakaramdam ako nang inis sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hanggang sa umuwi ako lahat-laha

