Chapter 8

1412 Words
NAMANGHA ako ng makita ang kabuuan ng magiging kuwarto ko. Halos hindi ako makapaniwala! Kasing laki na nito ang bahay namin sa probinsya! "Dito po talaga ang magiging kuwarto ko?" tanong ko sa mayordoma. Bahagya itong ngumiti. "Oo hija. Dito ka itinalaga ni Donya Elizabeth. Hindi ka naman p'wede sa maid's quarter at hindi ka naman katulong dito." Bigla akong napakagat-labi. Ang sosyal ko naman pala? Isa sa mga guest room ang magiging kuwarto ko? "Pangatlong kuwarto mula rito, ang kuwarto ni Senorito Tristan, hija. Bukas ko na ipapakita sa'yo ang kuwarto niya. Magpahinga ka na muna. Mamaya aakyatin kita, para mailibot sa kusina." Nginitian ko naman ito. "Salamat po, Aling Lou." Marahan itong tumango at 'agad ding nagpaalam para lumabas. Sandali akong natulala. Para akong nananaginip ng mga oras na iyon. Nakatira ba naman ako sa mala-palasyong bahay?! Inilibot ko ang paningin. Napangiti ako ng buong tamis ng lapitan ko ang malawak at malambot na kama. Apat o limang tao yata kakasya sa lawak ng kama e! At talagang nakahiwalay pa ang closet area? Bigla akong napa-wow! Ang bongga e! Sobrang laki pa! E, kakapiraso lang naman ang damit ko. Ngunit mas nagulat ako at may ilang tuwalya na nandoon. May maliit at malaki? Mukhang sa mukha iyong maliit at iyong malaki, para sa katawan? Mas namilog ang mga mata ko at may bathrobe?! Sa television ko lang ito nakikita e! Meron din pala ako nito? Para akong tanga na kinilig at mararanasan ko ng makasuot ng bathrobe! Sobrang lambot pa ng tela! At halatang sinukat pa sa akin? Saktong hanggang tuhod ko lang ang haba e! Hanggang sa tinungo ko ang banyo. Mas lalong nangislap ang mga mata ko at may bathtub pa! Nakahiwalay din ang shower area? "Wow!" biglang bulalas ko ng may maliit doon na cabinet at punong-puno iyong ng kagamitan para sa pampaligo. Kumpleto lahat! Pati toothbrush mayroon din. May slippers din para sa loob ng banyo! Napakalaki din ng salamin na nasa loob ng banyo. Kitang-kita ang kabuuan ng katawan ko. Nangingiti akong lumabas at muling inilibot ang paningin. Doon ko lang din napansin ang malaking TV screen! At lalong lumaki ang mga mata ko at may air-conditioned din pala ako?! May maliit ding center table? Mayroon ding isang mahabang sofa at dalawang single sofa? "Grabi..." palatak na bulong ko sa sarili. Sa isang iglap, mararanasan ko ang makatulog sa ganito kagandang kuwarto? Nang bigla akong matigilan. Hindi ko pa pala nakikita ang mukha ng apo ng donya. Pansin ko kanina may malaking frame sa malaking living room. Hindi ko lang napagbuhatan ng pansin at naunahan ako ng kaba nang makita ko si Donya Elizabeth. "Mamaya, masilip ko nga." Hiling ko lang talaga na makasundo ko ang apo nito. Paano mo naman siya makakasundo e, ikaw nga ang taga-sumbong sa lola nito kung anong pinaggagawa niya. Napangiwi ako ng maisip ang bagay na iyon. So, kailangan ko bang asahan na mainit na kaagad ang ulo nito sa akin? Dahil mababawasan ang pambababae nito at may mga matang nakatunghay sa bawat galaw nito? Exactly, Alisha Perez! Kaya tatagan mo ang loob mo para sa pamilya mo! Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang sahod na inalok sa'yo ni Donya Elizabeth! Bigla akong nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. Hindi ko maiwasang kabahan sa t'wing naiisip na makikita ko na ang apo nito sa susunod na Linggo! Ano kayang itsura nito? Kumibot ang labi ko ng maalalang babaero nga pala itong tao. Marahil guwapo! HABANG nasa loob ng bathtub, napaisip ako kung pumayag ba ng maluwag sa loob ang apo nito na bigyan ng Personal Assistant? O, malamang hindi? Sino ba naman ang matutuwang magkaroon ng taga-subaybay sa bawat galaw nito? Kung pumayag man siguro ito, marahil wala lang itong magawa sa desisyon ng lola nito. Muli na naman akong napabuga ng hangin. Pakiramdam ko, laging sasalubungin sa akin ang masamang timpla ng mukha ng apo nito! Sino ba naman ang matutuwa kung dahil sa 'kin hindi na ito makakapangbababae? Ang tanong, mapipigilan ko ba ito? Napailing-iling ako. Hindi ko nga pala ito pipigilan. Irereport ko lang sa lola nito kung anong kalukuhan ang mga pinaggagawa nito. At dahil doon, tiyak na manggagalaiti ito sa akin! "Haist! Bahala na. Kung hindi ko kaya, tatapusin ko lang ang isang buwan!" pagkaka-usap ko sa sarili. Muli akong napangiti at sobrang bango ng shower gel! TATLONG sunod-sunod na katok ang nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakaupo sa malambot na kama. "Aling Lou.." "Tara na hija, sa ibaba. Nang makakain na tayo," yaya nito sa akin. Doon ko lang napagtantong tanghaling tapat na pala. Pagkababa sa malaking sala, kaagad kong tinitigan ang malaking frame. At ganoon na lang ang paninigas sa kinatatayuan ko ng makitang familiar sa akin ang pagmumukha ng lalakeng nasa gitna?! Bigla akong napalunok kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Para akong may ginawang kasalanan sa biglaang pamamawis ng mga kamay ko! "Hija, ayos ka lang?" Nagulat pa ako sa biglaang pagtanong ni Aling Lou. "Ah opo." Sabay turo sa malaking frame. "Siya ho ba si Senorito Tristan?" Huwag naman-- "Oo hija. Siya nga." Sabay ngiti nito. Para akong bibitayin sa tindi ng pagkabigla! Ang lalakeng ito? Iyong hambog na nakasalubong niya noon? Siya ang apo ni Donya Elizabeth?! Gusto kong mag-protesta! Gusto kong bawiin ang kontratang napirmahan ko kay Donya Elizabeth! Labis ang pagsisisi ko na hindi ko man lang naisip na tingnan ang mukha ng apo nito kahit sa litrato! Tiyak na makikilala ako ng lalakeng iyon! Natatandaan ko pa kung paano ako nito laitin! Ako raw e, mukhang bumangon mula sa coffin?! Paano pa kaya kung makita nito ang pangit kong mukha oras na maglagay ako ng pampapangit?! Baka lalong umusok ang ilong nito sa galit! At dahil doon, gusto kong mapahagalpak ng malakas! Mukhang sa unang pagkikita namin, masisira ko na 'agad ang araw nito! Bigla tuloy ako nakaramdam ng kakaibang kasiyahan! Wala itong magagawa kundi pagtiisan ang pagmumukhang ito lalo na't wala itong magagawa sa desisyon ng lola nito! Kaya pala mayabang at babaerong tao?! Tingnan ko lang kung sino ang maaasar sa ating dalawa? Kung oras-oras mo ba naman makikita ang pangit na pagmumukhang ito? At mukhang bumangon sa coffin! Lihim akong napahagighik. Mukhang masarap asar-asarin ang hambog na lalakeng iyon! Natatandaan ko pang kailangan kong magpanggap na may asawa akong tao. Pamilyadong tao. Kahit nga hindi na nito malaman pa, tiyak na hindi ito magkaka-interes sa itsura ko! Habang naglalakad papuntang kusina, iniisip ko kung dapat ba akong magpanggap na hindi ko ito natatandaan? Pero mukhang hindi ito maniniwala. Baka sabihin pa nito, nagpapanggap akong hindi ito nakikilala dahil malaki ang pasahod ng lola nito! Mapagkamalan pa akong mukhang pera! "Grabi naman po sa laki nitong dirty kitchen," bulalas ko sa mayordoma. Bahagya ako nitong nilingon. "Lumiliit pa nga ito, kapag may okasyong nagaganap dito, hija. Sa mayayamang tao, kailangan talaga ng malawak at malaking dirty kitchen. Para makakilos ng maayos ang mga kawaksi na dito nakatalaga." Napatango-tango ako. Iba talaga kapag mayayaman. Lahat nagagawa ang lahat ng maibigan. Hindi rin ako makapaniwala na sobrang dami rin ng pagkain ng mga kasambahay. Gumaan din ang pakiramdam ko, at mababait naman ang mga ito. Masaya pa silang nakikipag-kuwentuhan sa akin. May ilan ding kawaksi na 'di nalalayo sa edad ko. Ngunit pansin kong may pagka-ilang sila sa akin. Marahil iniisip nila na mas mataas ang posisyon ko sa kanila. Ngunit sinikap ko namang ipakita sa mga ito na pantay-pantay ang pagtingin ko sa bawat tao. Ayokong maging mapagmataas. Ang sabi ko nga sa sarili ko, noon pa man. Kahit maging mayaman ako balang araw, 'di ako magbabago. Kung anong pagkakilala ng mga taong nakakakilala sa akin, ganoon pa rin ako. Ang iba kasing mga tao, umasenso lang sa buhay, akala mo kung sino na. Hindi na nakakilala. Madapuan lang ng kaunting dumi, napaka-arte na! Ayoko naman ng ganoon. Gusto ko, mapanatili ang kapakumbabaan. Iba pa rin ang pakiramdam na walang naiinis sa iyong tao. Marahil may mga taong ganoon dahil sa yaman ng isang tao, wala akong magagawa sa bagay na iyon. Basta ako, oras na yumaman ako, hindi ko ipaparamdam sa kahit kaninong tao, na nasa mataas ako at sila ay nasa ibaba ko lang. Kailangan ko lang talagang paghandaan kung anomang lumabas sa bibig ng hambog na lalakeng iyon. Minsan nga napapaisip ako kung paano ba naging apo ni Donya Elizabeth ang lalakeng iyon? Nasaan nga pala angg mga magulang nito? Maitanong ko nga kaya Aling Lou, mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD