Part 31

1756 Words

Ftancis' POV Na alimpungatan ako sa ugoy ng sasakyan kung saan ako nakasakay. Saglit kong iminulat ang mga mata ko. Pagtingin ko sa bintana ay napag alaman kong umaandar nga kami at binabagtas ang kalsada. Gumuhit ang matinding sakit ng ulo ko kasabay ng pagkahilo kaya mariin akong pumikit saglit. Pagkatapos ay muli kong iminulat ang mata ko at bahagya kong ipinihit ang ulo ko sa direksyon ng nagmamaneho. Ang huli kong natatandaan ay nakaakbay ako kay Miko habang binabagtas namin ang parking lot. Hindi ko mabanaagan ang mukha ni Miko at kung bakit ay nagmumukha siyang si Jake sa aking paningin. Ganon na ba ako kalango sa alak at naghahallucinate na ako, at bakit ba sa dinami dami ng pwede kong makita ay mukha pa ni Jake ang rerehistro sa paningin ko. 'Ah tangina ang sakit ng ulo ko'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD