Part 30

1668 Words
Nang nakaupo na kaming apat ay agad na lumapit ang isang crew para mag serve ng isang bucket ng san mig light. Magkatabi ang magkuya na nakaharap samin ni Miko. Nasa may bandang gilid kami at yung table namin ay halos naka dikit na sa pader. Nasa bandang kaliwa ko sa Miko at ang dance floor ay nasa kaliwa din namin. Paminsan minsan at nag uusap ang magkuya samantalang tahimik lang kami ni Miko. Useless din mag usap sa ganito ka ingay na lugar. Masyadong malakas ang sound kaya kelangan pang sumigaw para magkarinigan. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na binuksan ang isang bote para sakin. Inalok ko si Miko at kinuha niya ang isang boteng binuksan ko para sa kaniya. Kapwa kami nanonood ng mga sumasayaw sa dance floor. Enjoy na enjoy ang mga tao sa maingay, malakas, at nakakaindak na mga modern music. Habang umiinom ay nakita kong nagkakalikot ng fone niya si Miko. Si Nate naman ay kumaway sakin at pagkatapos ay nag thumbs up. Senyas na nagtatanong kung ok lang daw ako. Tumango lang ako sa kaniya sabay ngiti. Wala naman akong partikular na inaasahang mangyayari ngayong gabi. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpakalasing. Tuloy tuloy ang paglagok ko sa boteng hawak ko hanggang sa namalayan kong wala na pala itong laman. Kaya naman nagbukas ulit ako ng isa pa. Pagkatapos kong buksan ang isang bote ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa. -ok ka lang? Text mula kay Miko. Mas minabuti na lang sigurong niyang magtext kesa isigaw ang sasabihin niya kahit magkatabi lang kami. -oo ok lang ako. Nagkatinginan kaming dalawa at walang ano anoy ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kaliwang hita ko at tinapik tapik iyon wari bang nagsasabing dahan dahan lang sa pag inom. Nginitian ko lang siya at nagthumbs up din ako bilang pag sangayon. Muling nag vibrate ang phone ko. -Sayaw tayo mamaya. -Sige ba Ilang sandali pa ang lumipas ay halos naka apat na bote na ako. Nakaramdam na rin ako ng amats. Pero feeling ko kulang pa talaga. Gusto kong umuwing hindi makagulapay sa gabing ito kaya nagbukas ulit ako ng isa pang bote. Nakatingin na sakin ang magkuya at pati si Kuya Lanj ay nag thumbs up na rin sabay pukol sakin ng tinging nagtatanong kung ok lang ba ako. Tumango lang din ako at ewan ko ba kung bakit bigla kong itinaas ang kamao kong nakakuyom para imbitahin si Kuya Lanj para sa isang fist bump. Tumugon naman ang huli at nagkangtian kami. Si Nate naman ay ingat na ingat sa pag inom. Naka apat na nga ako pero hindi pa niya nauubos ang isang boteng binuksan ng kuya niya para sa kaniya. "Tara tol sayaw tayo" yaya sakin ni Miko. Hindi ko pa masyadong marinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng sounds sa bar. "Ha?" tanong ko sa kaniya. Bigla niyang hinatak ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa gitna ng dance floor. Dahil tipsy na ako ay hindi ko na nagawang tanggihan ang paghatak niya. Siksikan sa gitna at halos wala nang pagitan ang mga sumasayaw. Nagkakabanggaan na nga ang bawat isa habang umiindak sa saliw ng modernong tugtugin. Nagsimulang umindak si Miko habang nakangiti at nakatingin sakin. Ako naman ay bahagya ding gumalaw, ingat na ingat ako sa bawat kilos ko baka may mabangga ako sa mga sumasayaw na kasama namin. Halos magkadikit ang mga katawan namin ni Miko. Ilang pulgada lang ang agwat ng aming mga mukha. May kung ilang beses ding nagkakabundulan ang aming mga harapan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o hindi ang tanging mababakas lang sa kaniyang mukha ay ang hindi maipaliwanag na saya habang sumasayaw sa harap ko. Nadala na rin ako ng tugtugin at napapaindak na ako ng tuluyan. Wala na akong paki alam kung meron man akong mabangga sa mga kasayawan namin sa bandang gitna. Malawak ang dance floor pero siksikan ang mga tao na parang punuang MRT sa rush hour, kaya kahit magwala ka habang sumasyaw ay hindi ka mapapansin ng karamihan. Dahil sa amats ko ay napapapikit na ako habang sumasayaw. Tinatablan ako sa ginagawa ni Miko, sinasadya niya talagang pagbundulin ang mga harap namin at marahan niyang ikiskis ang harap niya sakin. Masarap sa pakiramdam ang sensasyong dulot ng bukol ni Miko sa harapan ko. Maya maya pa ay may nakikibundol na rin sa likod ko. Kung sino man siya ay ramdam ko ang matigas niyang harap na kumikiskis sa may pwetan ko. Hindi pa siya nakuntento at humawak pa sa beywang ko at lalo pang idinikit ang katawan sa likod ko. Ramdam ko ang init ng matipuno niyang dibdib sa likuran ko. Para akong naging palaman sa isang sandwich. Pansamantala kong nakalimutan ang mga kalungkutang bumabagabag sakin bunga ng pangungulila ko kay Jake. Para akong nasa cloud nine ng mga sandaling ito. Pogi ang humaharot sakin sa harapan at siguroy may itsura din ang nasa likuran ko ngayon. Pero wala na akong balak pang alamin. Ang epekto ng alak ay parang nagbibigay sakin ng kapal ng mukha para hayaan na lang ang sarili kong makipag dirty dancing. At sa isang di malirip na bugso ng damdamin ay bigla kong hinatak ang batok ni Miko at siniil siya ng halik habang nagsasayawan kami. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil bukod sa madilim ang dance floor ay medyo nahihilo na rin ako sa tama ng ininom ko kanina. Hindi naman pumalag si Miko at nilabanan niya ang halik ko sa kaniya. Ang lambot at ang init ng manipis niyang labi. Mabango din ang hininga niya kaya naman sobrang sarap sa pakiramdam nang magtama ang balat ng aming mga labi. Isang maalab na halikan ang namagitan samin ni Miko. Wala akong pakialam sa mga kasama namin sa dance floor at feeling ko naman ay wala rin silang pakialam samin. Sadyang napaka liberated na ng mundo ngayon. Bahagya na lang kaming umiindak sa saliw ng tugtugin para bigyang daan ang aming laplapan. Ang lalaki sa likod ko ay parang gusto ring makisali. Nararamdaman kong hinahalikan niya ang leeg at batok ko at pilit na inaabot ng dila ang puno ng aking tenga. Napapa ungol ako sa sobrang kiliti at sensasyong dulot ng mga halik ng dalawang lalaking naka sandwich sakin. Ilang saglit lang ay bigla akong hinatak ni Miko at nakipgbalyahan sa mga sumasayaw para maka daan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Miko pero pagkatapos naming malampasan ang mga sumasayaw ay biglang dumaluhong ang kirot sa ulo ko. Ang umiikot kong paningin kanina ay lalong tumindi dala siguro ng pagsayaw ko. Sa sobrang hilo ko ay hindi ko na halos maidilat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung san banda kami huminto, nasumpungan ko ang sarili kong hindi makakilos habang sapu ng kanang kamay ko ang noo kong parang nabibiyak sa sakit. Niyugyog ni Miko ang magkabilang balikat ko at nauulinigan ko pa ang mga sigaw niyang nagtatanong kung anong nangyayari sakin. "Francis ok ka lang? Anong nagyayari sayo?" Tangina naman bat ba kase ang hina ng tolerance ko sa alak considering na san mig light lang ang iniinom namin kanina. An sakit ng ulo ko shet. Wala na ako sa ulirat. Naramdaman ko na lang na nakaakbay na ako kay Miko at nababanaag ko saking diwa na tinatahak namin ang daan palabas ng bar at pagkatapos ay sa parking lot kung saan marahil nakapark ang kaniyang sasakyan. Balak ba niya akong dalhin sa ospital? Inalalayan niya ako papasok sa passengers seat at agad siyang umikot sa kabila. Hindi pa rin ako makagulapay sa sobrang pagkahilo pero nagawa kong magtanong sa kaniya. "San tayo pupunta?" "Ihahatid kita sa inyo, grabe ka pala kung uminom ambilis mong malasing" Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kahit halos hindi ko na maidilat ang mata ko ay alam ko pa rin ang nangyayari sa aking paligid. "San ka ba nakatira para maihatid na kita" Hindi ko na halos naintindihan ang sinabi niya sapagkat sinalaky ulit ako ng matinding pagkahilo at sa sakit ng ulo koy nakangiwi na lang ako. Bumigay na ako sa liwanag at nagpasyang matulog sa loob ng sasakyan ni Miko. ... Mikos POV "Aba talaga naman at tinulugan pa ako, pano ko siya maihahatid sa kanila" Binuhay ko ang makina pero saglit na natigilan at pinatay ulit dahil tinulugan ako ni Francis. Nakapiling ang ulo niya sa kanan. Parang lantang gulay ang loko. Nag isip ako ng maaring gawin. Pwede naman siguro sa bahay na lang muna siya matulog since hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Mag isa lang naman ako sa bahay kaya ok lang. Siya pa lang siguro ang unang taong dadalhin ko sa bahay. Siya rin ang kauna unahang taong nakilala kong sobrang hina ng tolerance sa alcohol. Pambihira naman. Kinuha ko muna ang phone ko para itext si Nate at magpaalam na mauuna na kami ni Francis. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila kanina dahil inaakay ko si Francis papalabas ng Bar. Pagkatapos ay ikinabit ko ang seat belt ni Francis at pinaandar ang sasakyan. Balak ko sanang kaladkarin siya kanina sa CR para naman maituloy namin ang kasarapan ng aming halikan. Kung dahil sa lokolokong nakikisali samin ay malamang nasa sayawan pa rin kami hanggang ngayon. Sariwa pa sakin ang sarap ng mga labi ni Francis. Hindi ko na ikinagulat ang ginawa niyang biglang pagkabig sa batok ko. Yun naman talaga ang plano ko kaya ko siya niyayang lumabas ngayon. Siya naman ang nag umpisa kaya naman pagbibigyan ko siya. Pero hihintayin ko muna siyang magkamalay para naman hindi magmukhang pinagsasamantalahan ko ang kalasingan niya. Ako naman yung tipon hindi kelangang mang lasing para makuha ang gusto ko. Ako rin yung tipong hindi mo na kelangang lasingin pa para matikman mo. Kung ok ka sakin eh pagbibigyan kitang gawin ang lahat ng gusto mong gawin sakin. Pinaandar ko ang makina ng kotse ko at dahan dahang pina andar ito. "Yari ka sakin mamaya Francis" sa isip isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD