-Musta?
Reply niya. Eto yung typical na flow ng random chatter. Susundan ito ng "tagasan ka" at kung ano ano pang basic na tanong na parang sa slum book. Bagay na kinaiinisan ko since lahat naman ng basic info ko ay naka display sa profile ko, although kalahati lang don ang totoo.
-Ayos lang
-Francis?
So kilala niya ako. Malamang si Miko nga to.
-Miko?
-Haha
-Pano mo nalaman tong account ko?
-Nakita ko lang sa suggestion
-Ah ok. So may dummy account ka rin pala.
-Oo. Kaw nga din eh.
-Para saan tong dummy account mo.
-Wala naman.
-Naghahanap ka ba ng jowa dito?
Nagulat ako sa paguging straightfoward ni Miko. Hindi ko alam ang irereply ko. Well di naman siguro masama kung maging open ako sa kaniya.
After a min or two a biglang nag ring ang phone ko. Nag flash ang name at contact ni Miko sa screen.
"Hello" bungad ko.
"Bat dika na nagreply sa chat ko" sagot niya tapos ay marahang tumawa.
"Ah eh hindi... Hindi ako naghahanap ng jowa"
"Anong ginagawa mo ngayon"
"Eto nakatunganga sa harap ng pc ko. Kaw? Akala ko ba bc ka"
"Bc lang ako sa office pero sa bahay hindi"
"Ah ok"
"Akala ko poser mo yung nag add sakin. Gano na katagal yung dummy account mo?"
"Medyo matagal na rin. Kaw ba bat may dummy account ka"
"Wala lang. Nagpapatakam lang ako sa mga friends ko. Haha"
"Bat ka napatawag?" For sure marami siyang kaharutan sa sss. Bat niya pa ako paglalaanan ng oras sa telepono.
"Bakit hindi pwede? May magagalit ba? Haha"
Napreskohan ako sa dating ni Miko. Sabagay may karapatan naman siya since isa siya sa mga pinagpapantsyahan sa sss base sa bilang ng friends niya.
"Ah wala naman. Diba may pasok ka pa bukas. Nakita ko pala kanina sa mall si Nate kasama kuya niya"
"Si Nate? Close ba kayo nun?"
"Hindi naman masyado bakit?"
"Ah ganun. Magkaklase kayo sa session ko tapos di pa rin kayo close?"
Parang ang awkward ng flow ng usapan namin. Kung kausapin niya eh parang close na close na kami. Hindi naman sa nagi enarte ako or what pero ang awkward lang.
Medyo humaba pa yung usupan namin ni Miko sa telepono. Mostly ay tungkol lang sa kalibugan ang topic namin. May mga tinanong siya tungkol sa personal life ko. Ilag naman ako sa pagsagot for security purposes.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nita ako pinaglalaanan ng oras maliban na lang kung type niya ako kase usually ganon naman talaga sa socmed.
Sinakyan ko na lang ang trip kalaunan eh mawawalan din naman kami ng communication pagkatapos kong grumaduate sa driving school nila.
Deep inside ay nagpasalamat ako dahil kahit papano ay na divert ang utak ko sa kaniya. Although wala naman akong balak na gawin siyang panakip butas kay Jake. Besides feeling ko hindi ako yung tipo ni Miko.
Demigod siya at average lang ako.
....
Nates POV
Haggard na si kuya dahil nga sa pagbabantay kay Leon sa ospital. Although ilang linggo na rin ang lumipas mula nung ma discharge si Leon ay parang down pa rin si kuya.
Kaya naman naisipan kong umbsent muna sa driving school para yayain siyang lumabas at mamasyal.
Hindi ko inexpect na makikita namin si Kuya Francis sa isang food chain. Pinakilala ko siya kay kuya pero tahimik lang si kuya most of the time habang kumakain kami.
Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Hindi niya pa rin siguro matanggap na naging mas close si Leon kay Kuya Jeric.
Kuya was thoughtful enough to acompany me in the mall. Pano ko ba maibabalik ang dati niyang sigla?
All of these thought are running in my mind habang nagpiprepare ako para sa session ko today sa driving school.
Medyo kinakabahan ako sa hands on namin ni Sir Miko. Pero observant naman ako kapag hinahatid ako ni mama before sa school at lalo na nung nagkaayos na kami ni kuya. I got to see how he drives his car.
As usual ay hinatid ako ni kuya sa driving school.
"Good luck sayo bunso" matamlay niyang sabi pero pinilit niyang ngumiti.
"Salamat kuya, i love you"
"Love you"
After ko magtanggal ng seatbelt ay binigyan ko siya ng smack sa lips na buong puso niya namang tinanggap. Saka ako bumaba ng sasakyan.
Agad kong tinungo ang reception at hinanap si Sir Miko. Iginiya ako ng receptionist na tumuloy na sa driving area.
Pagdating ko sa driving area ay bumungad sakin ang nakangiting si Sir Miko. Ang tikas niya sa suot niyang casual na polo shirt at fitted jeans. Kitang kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan.
Attractive siya para sakin pero wala nang mas hihigit pa sa kuya ko.
"Good morning sayo Nate" bati niya sakin na may upward inflection.
"Good morning po Sir Miko" bati ko rin.
"Ano ready ka na ba?"
Bigla akong kinabahan pagka rinig ko sa tanong niya.
"Haha lets get it on" masigla kong tugon.
"Thats the spirit"
Sinundan ko siya patungo sa test car na gagamitin namin. Malamang ito rin ang ginamit nila kahapon ni Kuya Francis.
Buti na lang walang ibang tao sa driving area kaya hindi masyado nakakahiya kung sakaling sumemplang ako.
"Kumusta naman po yung session niyo kahapon ni Kuya Francis?" Usisa ko.
"Ayun maayos naman. Nakakapagdrive na siya, naka ilang ikot din kami kahapon nung siya na ang nasa manibela."
"Buti pa siya" alam kong kayang kaya ko rin ito. Iniisip ko na lang na kapag natuto na akong magdrive ay si Kuya Lanj naman ang ipagdadrive ko.
"Kaya mo yan ikaw pa"
Pinaliwanag sakin ni Sir Miko ang mga gagawin namin. Kaswal lang akong sumasagot sa mga tanong niya na mostly ay galing sa mga napag aralan namin sa classroom discussion.
Nagfocus ako habang nagmamaneho siya although amido akong distracted ako sa kapogian niya na pilit kong iniiwasan.
Kahit sino naman siguro eh maattract kay Sir Miko. Pero syempre my kuya is more than enough for me.
Finally its my turn. After several checking ay agad kong pina andar ang sasakyan. Abot abot ang kaba ko. Shet hindi ako makapaniwalang umuusad na ang sasakyan gamit ang sarili kong mga kamay. Sobrang dali naman pala nito.
Tahimik lang si Sir Miko habang nagmamaneho ako. Nakafocus ako sa harapan kaya hindi ko makita ang expresion ng mukha niya.
Pagkatapos ng ilang ikot ay inutusan niya akong huminto na. Siya na lang daw ang magpapapark ng sasakyan since hindi pa ako marunong mag maneobra. Yung daw ang ituturo niya samin next session.
"Di na ako magtataka kung mabilis kang matutong magmaneho, napakaseryoso eh" sabi sakin ni Sir Miko habang pabalik kami sa loob ng building.
"Hindi naman. Magaling ka naman po magturo eh" tugon ko.
"Bale next session ay sa labas naman tayo magmamaneho" paalala niya.
"Ah sige po"
Since tapos na yung session namin ay nagpasya akong magtataxi na lang pauwi. Hindi ko na pwedeng abalahin si kuya since back to work na siya.
Akmang lalabas na sana ako nang makareceive ako ng text mula kay kuya Francis.
-Musta yung session niyo?
-Ayos naman kuya.
Marunong na
ako mag drive. Hehe
-Nice, god job sayo.
-Salamat kuya.
-Sabay na tayo mext session?
-Oo kuya sa labas na
tayo magmamaneho
-Good luck satin. Haha
-Oo nga kuya.
Hindi na siya nagreply pagkatapos. Tinawagan ko si kuya para ibalita ang nangyare. Natuwa naman siya pagkarinig niya. Dahil dito ay matutuloy na daw ang surpresa niya sa sakin sa pasko.
Nakaka excite naman.
....
Francis' POV
Ngayon ay friday at huling session namin ni Nate kay Sir Miko.
Naging madali na para saamin ni Nate ang magmaneho sa labas ng driving area. Tinuruan narin kami magpark ng sasakyan. Maayos naman ang mga huling session at aantayin na lang naming magdalawang buwan para kunin ang professional licences namin.
Bago kami umuwi ay pinaalala pa sakin ni Miko ang usapan namin mamayang gabi. Tumango lang ako bilang pagsang ayon.
Sinabihan ko rin si Nate at tinanong siya kung pwede siyang sumama. Umuo naman ang bata since wala naman daw siyang gagawin kinabukasan. Pero magpapa alam daw muna siya sa kanila at malamang ay isama niya ang kuya niya para payagan siya.
Tamang tama itong treat sa mga sarili namin bilang graduate na kami sa driving school.
Mamaya pa ang out ni Sir Miko kaya nagpasya muna kaming umuwi. Gaya ng dati ay hindi ko maiwasang isipin ulit si Jake habang nasa biyahe.
Kung andito lang sana siya malamang siya naman ang ipagdrive ko. Magroroadtrip ulit kami gaya ng dati habang nakikinig ng mga nakaka inlove na kanta.
Hindi ko maiwasang malungkot habang iniisip ang mga bagay na maari pa sana naming gawin kung di siya biglang nawala sa buhay ko.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon. Sana ok lang siya. Sana masaya siya sinoman ang kasama niya ngayon.
Iniisip niya rin kaya ako?
Parang gusto ko tuloy uminom mamaya at magpakalasing. Matagal tagal na rin akong hindi nainom.
....
Sumapit ang gabi at natuloy nga ang bonding namin nila Miko, Nate at kuya niya. Nagkitakita kami sa isang sikat na Bar sa Quezon City.
First time kong makikipag inuman sa mga taong hindi ko naman talaga ka close. At the same time ay nai excite ako sa anomang pwedeng mang yari. Hindi naman dahil sa may binabalak akong kapilyuhan kundi dahil excited akong maka bonding ang magkuya. May aalamin lang ako sa kanilang dalawa.
Feeling ko kase higit pa sa magkuya ang turingan nila.
Naka casual lang ang mga porma namin. Sa tingin ko ay umangat lalo ang kakisigan ni Miko sa fitted shirt niya at fitted na denim din. Nakadagdag pa ang dilim ng gabi sa umuusok niyang s*x apeal.
Ang magkuya naman ay nakaka unwind tingnan. As usual ay naka eye glasses pa rin si Nate. Ang cute niya sa shirt na pula at slitghly lose na maong pants. Parang inosenteng inosente ang dating niya at the same time ay parang masarap pagsamantalahan.
Ang Kuya Lanj naman ay matipunong patipuno sa suot nitong polo shirt na puti. Namumutok ang mga muscles at may tinging handang banatan ang sinumang kakanti sa kaniyang kapatid. Kaya naman iwinaksi ko kaagad ang mga naiisip kong kapilyuhan kay Nate.
Pagkatapos naming mag mapakilalalalanan ay agad kaming pumasok sa loob ng bar. Medyo nagulat pa ako ng salubungin kami ng isang officer ng bar na sa unang tingin ay iisipin mong siya ang manager.
Astig naman pala dahil sa napansin kong special treatment niya sa magkapatid na Nate at Lanj. Baka kakilala nila ang may ari nitong bar or something.
Pagdating sa loob ay hindi magkamayaw ang mga tao. Biyenes ngayon kaya naman halos mapuno ang dance floor considering na maaga pa naman.
Hindi ako madalas sa ganito ka high end na bar kaya makikiramdam muna ako. Hindi na ako nagtaka na may naka laan nang table para sa aming apat gayong halos wala nang bakante sa loob.
Hindi ko alam kung nasa tamang lugar ba ako. O hindi lang talaga ako sanay sa ganito.