Part 15

1300 Words
Sinubukan kong tawagan yung bago kong ka text mate pero ayaw niyang sagutin. Iniisip ko tuloy baka isa siya sa mga kakilala ko or isa sa mga classmate ko. Mula nung first year college ay hindi ako nakikihalubilo sa mga classmates ko. Ilag ako sa mga tao. Hindi dahil sa anti social ako pero ayoko lang na inuusisa kung anong buhay meron ako. May mga umaaligid saking mga babae, pinipilit nilang kaibiganin ako pero umiiwas talaga ako. Ang goal ko lang ay makatapos sa pag-aaral at magkaroon ng direksyon ang buhay. Hanggang sa matuto akong tumayo sa sarili kong paa at magkaroon ng sariling pamilya. Wala silang alam sa buhay ko at wala akong balak ikuwento yun sa kanila. Sa loob ng classroom ay nasa isang sulok lang ako. May ibubuga naman ako pagdating sa academic aspects. Kapag vacant ay nasa library lang ako at nagbabasa ng kung ano ano. Nasurvive ko yung unang dalawang taon ko sa college na ganun lang ang routine ko. Tuloy tuloy din ang communication namin ni Daddy sa tulong ng f*******: kahit nasa barko siya. Kinukumusta niya ako paminsan minsan. Natutuwa naman siya kapag nababalitaan niyang mataas naman ang mga grades ko. Normal na sana ang lahat ng bigla akong ginulo nitong mysterious textmate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakilala sakin. Dumating na sa point na aburido na ako sa kaniya. Hindi ko na lang pinapansin ang mga text niya. -=0=- One morning ay tahimik akong nagbabasa sa library ng school. Nasa isang sulok lang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Shit nakalimutan kong i silent. Pag check ko ay may isang message galing kay mysterious texter. -Ang cute mo pala pag naka uniform. Ano yang binabasa mo? Napakunot ang noo ko, agad akong luminga linga para tingnan ang mga tao dito sa library. Malamang isa sa kanila ang mysterious texter ko. Dinial ko yung number, sino man san sa mga nandito ngayon ang makita kong magcheck ng phone malamang siya na yun. Nag riring pa rin yung number niya sa phone ko. Pero wala akong nakita or narinig man lang na nag ring ang phone ng mga kasama ko dito sa library. Naasar na ako dito. Nagpasya akong replyan siya. -Sino ka ba? Maya maya ay nag reply siya. -You'll know soon enough -Kung wala kang magawa sa buhay mo tantanan moko. -Ambilis mo namang makalimot -What do you mean? -Hindi mo ba ako namiss? -Wala akong panahong makipaglokohan sayo. -Masaya ka na ba sa piling ng iba? Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig. Tang ina alam ko na kung sino to. -Asan ka? -Wala na ba ako sa puso mo? -Jake? Wala nang reply mula sa kaniya. Obvious naman sa pattern ng text niya. Bigla tuloy akong namoroblema. Kung nakita niya akong naka uniform malamang nasa paligid lang siya. I dont see any sign of him in this place. Pero anong ginagawa niya dito sa school ko. Tangina naman. Hindi na ako pwedeng lumipat ng school para lang iwasan siya. Anong idadahilan ko kay Dad. Pwede ko namang wag na lang sabihin kay Dad kung sakaling lumipat ako ng school. Pero ayokong mag adjust ulit sa mga bagong classmate. Anong gagawin ko? -=0=- Nasa loob na kami ng classroom at naghihintay na lang kay professor. As usual ay nasa sulok lang ako. Walang pumapansin sakin kase sa tagal na naming magkakasama sa classroom ay alam nilang hindi talaga ako pala imik. Nagsasalita lang ako kapag tinatawag ng professor or kailangang magparticipate. Dumating na yung professor namin sa first subject. Nasa middle aged na lalaking medyo old fashion yung porma. Although may itsura siya at isa siya sa mga magagaling magturo para sakin. Paglapag niya ng gamit niya at ng kaniyang mga portfolio sa mesa ay luminga linga siya sa buong calssroom na tila ba may hinahanap. "Andito na ba yung transferee?" tanong niya sa klase. Sabay sabay na nagbulungan ang karamihan na ang maiintindihan mo lang ay mga salitang "Ha may bagong transfer" "Sino yun" "Wala sir" at yung ibang bubulong bulong lang. Hindi ko na sila pinansin, itinuon ko na lang ang pansin ko sa librong hanggang ngayon ay binabasa ko pa rin. "Keep quiet class" saway ng professor. "So mukhang wala pa siya, baka naligaw lang.. anyway, Asan na ba tayo?" "Sorry sir I'm late" May narinig akong sumigaw na mga babae na parang kinilig at parang nakakita ng gwapong artista kaya agad kong tiningnan kung anong nangyayari. Muntik na akong mahulog sa kina uupuan ko nang makita ko kung sino ang bagong dating na estudyante na malamang ay siyang tinutukoy niyang transferee. Parang bigla akong pinagpawisan na hindi ko maintindihan. Namamalikmata lang ba ako. Parang bigla akong nabingi at di ko na maintindihan ang kanilang pinag uusapan. Biglang nag slow mo ang eksena na parang sa pelikula. Namalayan ko na lang na unti unti na siyang lumalapit patungo sa direksyon ko, sa may bakanteng upuan sa tabi ko. Nakatingin siya sakin habang nakangiti, pero yung mga mata niya ay parang nag aapoy at parang may patalim na parang humihiwa sa buo kong pagkatao. Kumirot ang dibdib ko at abot abot ang kaba ko halos hindi na ako makahinga. Nang sa wakas ay narating niya ang upuan ay umupo siya samantalang hindi pa rin magkamayaw ang buong klase dahil sa bagong dating na transferee. Halos lahat sila ay nakatingin sa direksyon namin pero alam kong yung katabi ko ang tinitingnan nila. Tangina ang awkward nito. Sinaway ng professor ang buong klase para makapag start na siya. Para akong estatwang hindi makakilos sa kina uupuan ko. Pakiramdam ko ay may nakatutok na baril sa tagiliran ko dahil sa katabi ko. Hindi siya umiimik, hindi rin siya nagsasalita. Hindi niya na ulit ako tiningnan pagkatapos ng isang maapoy na tingin kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay umaasta siyang hindi niya ako kilala. Hindi ako makapag concetrate sa klase. Matatapos nat lahat ang discussion ay parang wala akong natutunan. Kanina ko pa gustong umalis dito. Anong ginagawa niya dito? Ito ang tanong na paulit ulit na umaalingawngaw sa utak ko. Mababaliw na yata ako sa kakaisip. Natapos ang klase at nagsilabasan na ang lahat maliban sakin. Nanatili akong parang tuod sa pagkakaupo. Nung magkaron ako ng lakas para tumayo ay maingat kong tinungo ang pintuan ng room. Sumilip muna ako sa labas na parang spy para matiyak na di ko na makikita si Jake or kahit anino niya man lang. Maraming tao sa corridor, ewan ko ba pero feeling bawat madaanan ko ay napapalingon sakin na may panghuhusga. Nagmadali ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang CR. Pagpasok na pagpasok ko ay bumulaga sakin ang mukha ni Jake. Nang mamukhaan niya ako ay hinila niya ako sa braso at pinasandal sa pader. "Bat moko iniwan ha?" sigaw niya "Sumagot ka bat moko iniwan?" nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sakin. Parang anytime ay bubugahan niya ako ng apoy. Hindi ako makasagot pagkat abot abot ang kaba ko. Hanggang sa niyuyogyog niya na ang balikat ko. Paulit ulit ang tanong niya at habang tumatagal ay parang naglalaho sa aking pandinig. Nagdidilim ang paligid ko hanggang sa.... Tuluyan na akong magising. May kung sino man ang yumuyugyog sa balikat ko para gisingin ako. Pagmulat ko ay isang hindi kilalang mukha ng isang estudyante rin na nagmalasakit sigurong gisingin ako sa pagkakatulog. Luminga ako sa paligid at napansin kong nasa library pa rin ako. Shet nakatulog pala ako at panaginip lang ang lahat. "Kanina ka pa umuungol habang tulog kaya ginising kita. Binabangungot ka yata" wika ng estudyanteng nanggising sakin. Kinusot ko lang ang mata ko at tumango sa kaniya. Ni hindi ko magawang magpasalamat pagkat biglang sumakit yung ulo ko. Umalis na siya pero sapo ko pa rin yung ulo ko. Tanginang panaginip yun parang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD