Part 16

1128 Words
Natapos ang isang buong araw ko sa school na walang ibang iniisip kundi ang napanaginipan ko kanina sa library. Hindi malabong mangyari nga yon sa totoong buhay pero wala. Walang Jake na nagpakita sa klase o kahit isang transferee na ipinakilala samin. Nakahinga ako ng maluwag. Ang inaalala ko na lang ay ang mysterious text mate ko. Hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon. Napaparanoid ako dahil sa sarili kong kagagawan. Kung diko siya iniwan malamang masaya pa rin sana kaming nagsasama sa boarding house niya. Huli na ang lahat para magsisi ngayon. Ilang beses ding sumagi sa isip kong kumustahin siya o kaya ay dalawin man lang sa boarding house. Yun eh kung dun pa rin siya nakatira ngayon. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. 6 PM. Maaga pa naman kaya naisipan kong gumala muna tutal wala namang pasok kinabukasan. Bat diko na lang kaya silipin ang boarding house ni Jake. Tama ganun na lang, hindi naman ako magpapakita. Obvious naman kung may tao sa loob kapag bukas ang ilaw. Hindi man buo ang loob ko ay nasumpungan ko ang aking sarili na tinatahak ang landas patungong boarding house ni Jake. Hindi naman kalayuan yon mula sa school ko, isang sakay lang ng jeep. Kinakabahan ako habang papalapit ako ng papalapit sa bababaan ko. Parang gusto kong umtras at umuwi na lang. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sandaling makita ko ulit si Jake. "Para po" sigaw ko sa driver. Ilang metro pa ang tinakbo ng jeep bago tuluyang huminto. Pagbaba ko ay kinilatis ko muna ang lugar. This is it, isang pamilyar na lugar ang muli kong nakita. Parang nagdalawang isip ako. Gusto kong umatras na parang gusto kong tumuloy. Nagpasya akong magpapalipas muna ng oras sa isang convinient store malapit sa binabaan ko. Maaga pa naman baka nga hindi pa nakaka uwi si Jake sa mga oras na to. Akmang papasok na sana ako sa loob ng store ng may napansin akong pamilyar na mukha na bumaba mula sa humintong jeep. Si Gino? Magkapareho kami ng uniform kaya malamang ay same kami ng school na pinapasukan. Tangina anong ginagawa niya dito? Kelan pa siya lumuwas. Bakit diko man lang siya nakakasalubong sa school? Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip kot nagpasya akong sundan siya. Tiniyak ko lang na hindi niya mahahalatang sinusundan ko siya. Isang pamilyar na daan ang kaniyang tinatahak, ito yung papunta sa boarding house ni Jake. Kinabahan ako ng bahagya parang hindi maganda ang kahihinatnan nitong lakad ko. Huminto siya sa tapat ng gate na tinutuluyan din ni Jake. Baka naman magka building lang sila. Patay ang ilaw sa loob, malalaman yun mula sa labas, kita mula sa kinatatayuan ko ang bintana sa may boarding house niya na nasa second floor. O baka naman dito na siya pinatira ni Jake at tuluyan na siyang umalis Nakatayo ako sa gilid ng puno ng Nara kaya naman makakapagtago kung sakaling may sumilip mula sa bintana ng tinutuluyan namin ni Jake noon. Binuksan niya ang gate at tuloy tuloy siya sa loob. Gusto ko sana siyang sundan hanggang sa loob pero nagdalawang isip ako. Sobrang tagal na mula nung umalis ako kaya malamang ay hindi na ako mamukhaan ng landlord namin dati. Ayoko namang magpakita sa kaniya malamang kilala niya pa ako. Ako kaya nagturo sa kaniyang magbasketball noong umaakyat pa kami ng Baguio. May nangyari pa nga samin ng tatay niya. Kita kong bumukas ang ilaw sa boarding house ni Jake. Kumpirmado ko na ngang dun siya tumutuloy, baka nga wala na si Jake sa dati naming tinutuluyan. Malamang pinagamit na lang ni Jake ang boarding house niya kay Gino. Medyo nadismaya ako sa isiping yon. Hindi ko akalaing makikita ko siya dito. At sa iisang school pa talaga kami pumapasok. Hahakbang na sana ako papalayo nang maaninag ko ang isang taong papalapit sa kinaroroonan ko. Oh f**k! Nataranta ako, pero agad akong nakapagtago sa likod ng puno. Nakatutok siya sa phone niya habang naglalakad kaya laking pasasalamat ko at hindi niya ako nakita. Isa pa madilim na rin kaya imposibleng mapansin niya ako. Yun pa rin ang uniform niya, ibig sabihin ay hindi siya lumipat ng school. Kasing guwapo pa rin siya ng dati, parang walang nagbago. Medyo lumaki pa yung katawan niya, siguro nag focus siya sa pagwoworkout nitong mga nakaraang taon. Nilampasan niya ang kinaroroonan ko ng hindi niya ako napapansin kaya nakahinga ako ng maluwag. Tuloy tuloy siya sa gate at agad na pumasok. Dito na ako lalong kinabahan, kase kung dito pa rin siya tumutuloy ibig sabihin ay magkaboardmate sila ni Gino. Hindi na palaisipan sakin kung bakit alam niyang nasa library ako kanina habang ka text ko siya. Nasagot rin ang tanong ko kung bakit nung tinawagan ko siya ay wala isa man sa mga kasama ko kanina ang napansin kong nag check ng phone. Pero bakit hindi ko man lang napansin si Gino sa library kanina. Hindi naman siya ang naggising sakin, kase mamumukhaan ko kung siya yun. O baka naman si Gino talaga yung nanggising sakin. Ah ewan. Ngayon alam ko na. Ang nagsilbing mata niya sa school ko ay walang iba kundi si Gino. Aaminin kong nakaramdam ako ng selos, ano kaya ang relasyon meron sila, bilang magkasama sila sa iisang bahay. Bakit niya naman ako pinamamatyagan hanggang ngayon kung may relasyon nga sila. Naramdaman kong naninikip ang dibdib ko, parang sasabog anumang oras. Isipin ko pa lang na may iba na siyang kayakap at kahalikan ay parang gusto kong magwala. Sinuntok ko ang puno ng Narra, hindi lang isa kundi paulit ulit hanggang sa pakiramdam ko ay nabalian ang kamao ko. Masakit siya pero ayos lang at least naibsan ang paninikip ng dibdib ko, napunta ang sakit sa mga kamay ko. Sa kabilang banda ay napag isip isip kong ok na rin siguro to. At least may iba na siya at malamang ay nakapag move on na siya. Pero bakit si Gino? Pero pano ako, hindi ko akalaing ganito ang magiging reaksyon ko isipin ko pa lang na may iba na siya. Siya pa rin ba? Nagpasya akong umalis na sa lugar na yun. Pero habang naglalakad papalayo ay di ko mapigilang umagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Impit ang aking pag iyak. Nako consious kase ako sa mga taong makakakita sakin. Ayoko nang kinakaawaan ng iba. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang naglalakad ng matulin. Mali ang desisyon kong muling magbalik sa lugar na to. Ni hindi sumagi sa isip kong may posibilidad na makakita ako ng masakit na bagay. Ni hindi ko akalaing masasaktan pa pala ako kahit mahigit dalawang taon na ang lumipas mula nung iwan ko si Jake. Parang sinagot ko rin ang sarili kong tanong. Siya pa rin nga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD