Ala una na ng madaling araw at muli kaming nagbalik sa biyahe ni dad. Sa biyahe na lang ako matutulog. Tahimik ang kalsada at manaka naka lang ang mga sasakyang kasabay namin sa daan. Hindi tulad sa Maynila na kahit di oras ng gabi ay nagkakatrapik pa rin paminsan minsan. Lalo na ngayong malapit na ang pasko. Naaliw ako tuwing may nadadaanan kaming kabahayan na may palamuting christmas lights at umiilaw na parol. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin. "Ok ka lang?" usisa ni dad. Liningon ko siya pagdakay muli kong ibinaling ang paningin ko sa labas. "Ok lang ako dad" "Nakatulog ka ba?" tanong niya ulit. "Hindi ako nakatulog dad" sagot ko. "Bakit?" "Mahaba naman ang tulog ko kanina sa biyahe eh" "Sabagay" Isinara kong muli ang bintana pagkat

