Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakahanda na ang pagkain sa maliit na mesa ng kwarto. Si Daddy naman ay tahimik na nanonood ng palabas sa tv. Nagsuot lang ako ng boxers at niyaya na si daddy para kumain. Medyo nagutom nga ako sa biyahe at nagkataon paborito ko pa ang nakahain sa mesa. Pinag usapan namin ni Daddy ang mga mangyayari sa sa Bicol habang kumakain. Ang mga lugar na pupuntahan namin kasama ng pamilya niya. Mukhang nakaplano nang lahat. Napag isip isip kong kelangan ko talaga ang getaway na ito para naman madivert ang utak ko at hindi puro si Jake na lang ang maging laman ng isip ko. Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming sumampa sa kama. Sinilip ko ang phone ko para tingnan kung may mga messages. As expected ay nakatanggap ako ng text mula kay Miko. -Asan ka? Tara

