Isang Linggo na lang at magpapasko na. Maraming bagay ang pwedeng gawin at maraming lugar ang pwedeng pasyalan pero mas pinili ko ang mapag isa. Natapos na rin namin ni Nate ang lahat ng module sa driving school at naghihintay na lamang kami ng ilang buwan para makapag process ng professional liscence. Sabi ni Miko ay siya na lang daw ang bahala sa bagay na iyon. Hindi naman ito ang unang beses na in-isolate ko ang sarili ko sa maraming tao. Hindi ko pinapansin ang mga text messages sakin ni Miko. Paminsan minsan ay nagkakatext kami ni Nate. Mostly ay nangungumusta lang siya. Blinock ko na ang number ni Jake sa phone ko para hindi na ako makareceive pa ng kahit na ano mula sa kaniya. Balik ako sa dating gawi mula nung iwan ko siya noon. Umiiwas sa karamihan. Minding my own business.

