"Kuya baka si Ambe muna ang mag asikaso sayo ngayong hapunan, nauna na kaming kumain kelangan pa naming mag prepare para sa simbang gabi eh" bungad sakin ni Hans bandang alas sais ng gabi. Nakasabit ang tuwalya sa balikat niya, malamang ay maliligo siya. "Sige lang kaya ko naman na siguro yung sarili ko" dipensa ko. Nakahilata pa rin ako sa kama kahit na medyo ok naman na ang pakiramdam ko. Ang higpit kase nilang magbantay halos ayaw nila akong patayuin sa kama. Kulang na lang pati pag ihi ko eh sila nang bahala. May halong pag aalinlangan ang mukha ni Hans. Its either gusto niya akong isama or gusto niyang magpa iwan. "Sensya na kuya gusto ko sanang mag stay para maalagaan ka kaya lang baka magalit si Mama, nag suggest ako kay Papa na isama ka kaya lang sabi niya magpahinga ka na lang

