Francis' POV Pag kaalis ng magapatid ay agad akong nagbihis at nagtalukbong ng kumot. Nakatagilid ako sa bandang kanan at parang fetus position habang nanginginig. Kaninang hapon pa ako parang giniginaw. Pagkagaling sa ilog pakiramdam ko ay magkakasinat ako. Na overwhelmed yata ako sa sunod sunod na activities namin dito sa Bicol. Pero higit na nag patrigger ng panginginig ko ay ang pagligo namin kanina sa ilog. Ganito rin ang naramdaman ko nung mabugbog ako sa trabaho nung mga panahong namamasukan pa ako nilang isang service crew, inalagaan pa nga ako ni Jake dahil nilagnat ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag akong maging kasangkapan para mamulat si Howard sa kamunduhan. Parang pinag sisihan ko tuloy ang naging desisyon ko kagabi. Pero nangyari na ang nangyari at hindi ko

