CHAPTER 7
Kumurap -kurap ako ng bumangon ako ng umagang yon. Puro tulog lang ang ginawa ko mula kahapon dahil sa little adventure namin sa Hunted House. Sinundo kami ni Daddy kahapon ng umaga at nalaman niya din ang nangyari. Nakakulong na yung mga lalaki na pinatulog namin kahapon.
Lumingon-lingon ako at nagkibit-balikat ng makita kong wala si Ice. Baka nasa labas na yon. Wala pa ako sa mood makipag kulitan sa kaniya dahil kagigising ko lang. Baka makagat ko siya ng wala sa oras.
Naghihikab na tumayo ako at naglakad papunta sa bathroom. Pinihit ko yung door knob at walang babalang pumasok. Nabuhay ata pati na ang mga tulog pang cells sa katawan ko ng may narinig akong nakakabinging sigaw. Minulat ko ng todo ang mga mata kong half close pa at nakita ko si Ice na nakahubad at tinatakpan ng isang kamay ang dibdib niya na hindi ko alam kung bakit at ang isa pa niyang kamay ay nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Para siyang mahinhin na binibini na biglang pinasok ng r****t. Inirapan ko siya at inabot ko ang twalya na dapat aabutin niya sana. Ibinato ko yon at natawa ako ng mahina ng tumama yon sa muka niya.
Tumalikod na ako at lumabas pero naramdaman ko na pinigilan niya ako sa braso. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil alam kong hindi niya pa ibinabalabal sa katawan niya ang twalya.
"Sasapakin kita Ice."
"Wala naman akong ginagawa ah. Wala pa."
Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Lumunok ako pero hindi parin ako lumilingon sa kaniya. Masyado pang maaga. Literal at hindi literal. Lakas loob na umikot ako at humarap sa kaniya. Pinigilan kong tignan ang isa pang nag he-hello sakin at tumingin lang ako sa mga mata niya.
"Isa. Mag bihis ka na."
"Okay po!"
"As in now."
"Ma'am, Yes, Ma'am!"
Sumaludo siya at tumalikod na para lapitan ang mga damit niya. Nagmamadaling lumabas ako bago pa ako atakihin ng kung ano mang ka-maniacan.
Umupo muna ako sa kama habang pilit na pinapakalma ko yung sarili ko. Para kasing sasabog na yun puso ko dahil pakiramdam ko may nagkakarera sa loob ng dibdib ko. Pabagsak na humiga ako sa kama at pumikit.
Napadilat ako ng may maramdaman ako na dumagan sakin. Sinimangutan ko si Ice ng makita ko siyang bihis na bihis na at nasa ibabaw ko. Ngiting-ngiti na nagpapacute siya habang nakatingin sakin.
"Gwapo na ba ko?"
"Hindi."
"Wag mo ng itanggi summer baby. Alam ko naman na lumuluwa ang mga mata mo kada makikita mo ang super handsomelicious na muka ko at superb body that makes you drool."
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Tama ba ang dinig ko o gumamit talaga siya ng mga language na hindi ko alam kung saang part ng mundo galing.
"Handsomelicious? Superb body that makes you drool? Bakla ka ba?"
Nanglaki ng todo yung mga mata niya at tumayo siya. Hawak-hawak niya yung tapat ng dibdib niya habang tila inaatake sa puso. Nagpagewang-gewang pa siya at tumama sa kung saan-saan bago tumalon sa kama sa tabi ko.
Pinadaanan niya ng kamay ang katawan niya na ikinataas ng kilay ko.
"Sa gwapo kong to? bakla?"
"Uso na ngayon yon."
"HINDI AKO BAKLA!"
"Fine, ang defensive mo girl."
Sa isang kisap-mata ay naihiga na niya ako sa kama at kinubabawan. Ngumisi siya at kinindatan ako.
"I'm not gay, see?"
"Whatever."
"Hindi ka pa ata kumbinsido-"
"Kumbinsindo na ko!"
Tumawa siya. Napatingin kami sa isat-isa ng marinig namin na tumunog ang tiyan namin. Napangiti siya at hinila na ako patayo. I rolled my eyes at him at nauna na akong lumabas ng kwarto.
Napatili ako ng may nabangga ako na kung anong yellow na bagay. Tinitigan ko yung 'bagay' na yon at kumunot ang noo ko ng lumingon sakin yon.
Parang si simpson. Kaso babae. Ngumiti siya samin ni Ice at kumaway. Nang tumingin ako sa kasama niya na walang ekspresyon na nakatingin samin na realize ko na kung sino ang babae sa harap namin.
Si Lynxie.
"San ang punta niyo?"
"Mag go-grocery kami ni Heaven. Gagawa kami ng giant cake mamaya kasi na bo-bored kami. Diba bestfriend?"
"Oo."
May sumilay na ngiti sa mga labi ko. Tawagan nila bestfriend pero mukang malayo naman yon sa nararamdaman nila sa isa't isa.
Tinignan ko ulit si Lynxie na naghuhumiyaw ang kulay yellow na balat. Tinalo pa niya ang na hepa sa itsura niya.akulay talaga siya ni Homer Simpson.
"Ang cute mo naman lynxie. Familiar yan eh...si.." may papitik-pitik pa sa kamay na nalalaman si Ice habang nakatingin kay Lynxie.
"Sino?"tanong ko sa kaniya.
"Si Chavit Singson ba yon? Yung kilay yellow? Oo tama si Chavit- aray! baby naman eh!"
Hinilot niya ang ulo niyang bigla ko na lang binatukan. Kailan pa naging kulay yellow si Chavit Singson? Napapalatak ako ng bumanghalit ng tawa si Lynxie habang napangiwi lang si Heaven.
Minsan slow talaga tong si Ice.
"Si Homer yon!"
"Hindi kaya. Singson yon eh."
"Homer Simpson hindi Chavit Singson."
Babatukan ko sana siya ulit ang kaso umiwas na siya. Hinatak ko na lang siya sa kamay at nagpaalam na ako kay Lynxie. Kailangan ko ng pakainin si Ice dahil lusaw na ang utak niya.
Baka kinakain na ng mga naggagalang lumot sa utak niya ang kakaunti niyang brain cells. Nakapout na nagpahila siya at nag puppy dog eyes pa sakin.
"Tigilan mo yang mata mo dahil baka dukutin ko yan. Hindi ka ba napapagod mag pacute?"
"Natural charm ko yan. In born talent."
"Sinong may sabi?"
"Momma ko!"
Ngumiwi ako. Hindi na ako pwedeng mag reklamo dahil baka ibitin ako patiwarik ni Tita Kat. Lumiko na kami papunta sa dining hall ng bigla na lang tumalsik si Ice kasama ang dalawa na hindi ko pa nakita nung una.
Bumagsak sila sa di kalayuan.
Kaya lagi akong nasa gilid eh. Maraming agent na wala sa sarili o nagmamadali kaya hindi maiiwasan ang banggan. Katulad ng tatlong to.
Tinignan ko ng mabuti ang nakabangaan ni Ice at napapalatak na lang ako. Si Ate Wynter at Wynd pala. Sabay-sabay na tumayo sila at masama ang tingin nila sa isat isa.
"Bumili ng akayong dalawa ng salamin!"- sigaw ni ate Wynter.
"Ikaw ipalaser mo na yung mata mo!" suhestiyon ni Wynd.
"Makapagpalagay nga ng busina sa mga agents para alam natin kung kailan may tao."
Napanganga ako. I should have known na kay Ice ang pinaka worst na suggestion. Sinong tao ang mag su-suggest na lagyan ng busina ang bawat agents dito?
Lumapit ako sa kanila at walang tanong-tanong na hinila ko ang tenga ni Ice papunta sakin at naglakad na ako paalis habang hawak ko parin ang tenga niya.
Narinig ko pa ang sinabi ni Wynd. "Nako. Under na agad."
"Nagsalita ang hindi. Aray! baby naman baka matanggal ang tenga ko. Oy ikaw Wynd san ka pupunta at nagmamadali ka?"
"Maglaba na daw ako sabi ni Autumn."
"Under ka din naman pala- ouch!"
Binitawan ko na ang tenga niya at hinila ko na siya sa braso. Pumasok kami ng dining hall kung saan naabutan namin si Ate Sophie na kasalukuyang karga-karga si Dawniella kasama si Kuya..
"Ako na ang kukuha ng pagkain, baby." nakangiting sabi ni Ice.
"But-"
Napaatras ako ng akmang hahalikan niya ako. Ngumiti siya at umalis na. Umingos ako at lumapi kaila Ate. Magaan na sinundot ko ang pisngi ni Dawn na pumasag kaagad na parang gustong sagpangin ang kamay ko.
Mukang angel at kapag tinitigan mo siya parang may kumakanta na mga angels sa paligid at sumisinag ang araw sa kaniya. Ang kaso nga lang ang taray.
"Naku, Dawn. Wag ka ngang masungit at baka hindi ka na magkaboyfriend niyan."
Nakatingin lang siya sakin na parang iniintindi ang sinabi ko. Pinisil ko ulit ang pisngi niya at kinuha ko siya kay Ate Sophie na natatawa lang.
Umugoy-ugoy ako. Hindi naman siya umiyak at parang nag relax narin siya sa braso ko.
Kung may ngipin na siya I'm sure mangangagat siya ng wala sa oras. Buti na lang wala pa kaya magpapakasaya na akong buhatin siya habang baby pa lang siya.
"Kamusta na ang future boss ng BHO? Highblood ka na naman. Ang ganda ganda mo pa naman."
"You know, pwede namang anak mo na lalake ang magmana."sabi ni kuya Warren na hindi sa akin nakatingin kundi kay Dawn.
"Pwede nga kuya, kung magkakaanak ako na lalake or to be exact kung magkakaanak ako. Saka dapat lang na kay Dawn ang tittle ng pagiging Boss ng BHO. Siya ang unang anak sa line ng Davids."
"But she's so tiny and she looks fragile and...soft."
Tumingin ako kay Ate Sophie at pareho kaming natawa. Pareho naming alam na hindi magiging fragile si Dawn kapag lumaki na siya. Ngayon pa nga lang ang taray na.
Overprotective lang talaga si Kuya.
"Basta si little Dawn ang Boss. Uso na ang gender equality no."
Sumimangot siya pero hindi na siya nagsalita. Umupo na ako ng dumating si Ice at kumaway siya kay Dawniella na sa tingin ko ay gumawa ng sariling version niya ng irap. Natatawang ibinigay ko kay Ate Sophie si Dawn na kung kaya lang niya ay baka nangalmot na. Napakamot sa ulo niya si Ice habang sinusundan ng tingin si Dawn na walang ka-emosyon emosyon na nakatingin sa kaniya.
"Bat ang sungit ng baby na yon?"
"Ang cute no?"
"Ah..eh..."
Tumingin si Ice kay Kuya na hinihintay ang sagot niya. Yung tipong nanglalaki na ang mga mata at nananakot na incase hindi maganda ang sagot niya. Pekeng-peke ang ngiti na sunod-sunod na tumango siya.
Alam kong cute si Dawn. Angelic face nga eh. Kaso nga lang mataray talaga.
"Hindi niya ata gusto ang gwapo kong muka na pwede ng ipangtapat kay Ian Somerhalder. Ang gwapo ko pa naman..bata, matanda, may ngipin o wala, may buhok sa taas o sa baba na ga-gwapuhan sakin."
"Kailan pa?"
"Mula pa nung 18 B.C.E. trending na nga sa twitter ang face ko."
"Twitter?"
"Oo. Tinuro sakin ni Tito Poseidon."
Napangiwi ako. Ang magaling kong daddy pa pala ang nagturo sa kaniya kung ano yung twitter.
Nilingon ko si Ice ng inumang niya sa bibig ko ang tocino at siningag. Sinubo ko na lang ang inaabot niya para wala ng tanong at saka nagugutom na ako. Kumuha ako ng hotdog na nasa plato ko at isinalampak ko yon sa bibig ni ice.
"Ang sweet ko no?"
"Amm..yeh!"
Napapalatak na lang ako ng ngumiti pa siya habang inuubos ang isang buong hotdog. This man will never give up. Parang hindi siya nauubusan ng paraan para magpacute.
"Sana may next mission na. Bored na ko." sab ko.
"Sasamahan kita."
"Kahit hindi na."
"Back up lang ako, promise. Moral support."
Nangingiti na kumain na lang ako. Napapalingon ako sa kaniya kapag sinasanggi niya ako para tumingin ako sa kaniya. At kapag tumitingin naman ako sa kaniya bigla na lang siyang kumikindat.
"Gwapo ka na kaya hindi mo na kailangang magpacute."
"Para mas lalo kang mahumaling sakin."
"Hindi kita pinagnanasaan-"
"Yieeee! sabi ko humaling lang. Ikaw naman baby, pinagnanasaan mo na pala ako. Don't worry tanggap ko naman na eto na ang kapalaran naming mga gwapo. Kahit mahirap na."
Wala na ata siyang ginawa kapag nagkikita kami kundi ang mag beautiful eyes o kumindat. Buti hindi basta nalalaglag ang mata niya dahil sobrang over use na.
"Summer baby gusto ko baby boy-"
Naibuga ko ng wala sa oras ang kinakain ko sa sinabi niya. Inabot ko ang tubig at tinungga ko yon para mawala ang bara sa lalamunan ko.
"Kung nakakabuntis ang titig baka sakali."
"Eh di, wag tayong magtitigan."
What the-