Chapter 6

2541 Words
CHAPTER 6 Napamulat ako ng wala sa oras ng may narinig akong biglang nagtalian. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinid na ako nagtaka ng madilim na sa labas ng van. Nawili kasi sa pagsu-swimming ang mga elite agents samantalang ang mga original elites ay nauna na. At dahil mga pasaway ang kasama ko ginabi kami. Pinabayaan ko na lang sila.   Kumunot yung noo ko ng makita kong ang lakas ng ulan sa labas.   "What happened?"   Tinignan ko si Ice na kasalukuyang nakasiksik sa gilid. Nakaluhod siya sa upuan at magkayakap sila ng kapatid niyang si Wynd.   "Anong nangyari? Hello, people?"   Tinignan ko yung itsura ni Autumn wala siyang reaksyon kasi masarap ang tulog niya. Si Kuya Rain naman hawak-hawak yung cellphone niya at parang may tinatawagan. Si Ate Wynter namumutla. Tahimik lang sila Ate Hurricane At Kuya Reese. Si Sophie at Kuya Warren nandito din sa likod at tulog.   "May Mumu!" sigaw ni Ice.   "Saan?"   Tinuro nila yung sa labas at tumaas yung kilay ko ng may makita akong malaking lumang bahay don na mukang hunted house. Hindi ko alam kung pano kami napunta dito kasi parang liblib na liblib na yung dinadaanan namin.   "Don't tell me naliligaw tayo?"   "Ammm...Hindi tayo naliligaw?"   Naningkit yung mga mata ko. Right. Naliligaw kami. Pero pwede naman kaming umandar para maghanap pang ibang pupuntahan. Baka pwede naman kaming lumiko sa kung saan.   I'm sure mahahanap namin yung daan. Kaya lang mukang walang balak na paandarin ni Kuya Reese ang sasakyan. At saka hindi siya lumilingon kahit saan. Nakatingin lang sila ni ate Hurricane sa isa't-isa.   "People? Pwedeng umalis na tayo dito kasi gusto ko na talagang humiga sa kama." agaw pansin ko sa kanila.   Tinignan ako ni kuya Reese. "Hindi tayo makakaalis."   "Bakit?"   "Nasiraan tayo."   Bumuga ako ng hangin. Tinapik ko si Ice at hinila pero nanatili siyang nakayakap sa kapatid niya. Putlang-putla ang mga muka nila at parang kapag ginulat sila bigla na lang silang hihimatayin.   "Eh di ayusin pwede naman eh."   "Wala dito yung tool box nasa kotse nila Tito Poseidon." si kuya Reese na naman ang sumagot.   "Tawagan."   "Walang signal."   I groan. Parang pinagti-tripan kami ngayon at ibinigay na samin lahat ng kamalasan. We're all stuck in the middle of nowhere. Walang signal at walang pang-ayos ng sasakyan.   At mukang bumabagyo pa. Humidity and clouds. Mawawalan talaga kami ng signal. I guess alam na nila daddy kung anong nangyayari samin ngayon pero alangan namang papuntahin namin sila dito ngayong bumabagyo. Kung malakas ang bagyo dito lalo na sa manila.   "Hey, I got a signal!" Tli ni ate Hurricane na sumayaw-sayaw pa.   Dali-dali siyang tumawag.   "Mom? Na stuck kami. Can you send someone to help us? Sira din yung sasakyan- What happened? Then we really need to stay here? Okay, mom..I got it."   Napakagat-labi ako ng ibinaba niya na ang telepono. Base sa narinig ko mukang hindi talaga kami makakaalis dito ngayong gabi.   "Anong sabi?"-   "Sinarado ang daan papunta dito. Masyadong malakas ang ulan. Baka bukas na tayo masundo nila mommy and I really don't want them to go here lalo na kung ganto ang panahon."   Natahimik kaming lahat at halos sabay-sabay na napatingin kami don sa mukang hunted house. Hindi kami pwedeng mag stay dito sa sasakyan. Wala kaming choice kung hindi pumasok don.   "Don na lang tayo sa loob since mukang wala na tayong choice. May mga pagkain naman tayong dala kaya okay na din. Sa loob na tayo magpalipas ng gabi."   Sabay na umiling sila Ice at Wynd pero hindi ko na sila pinansin. Kinalabit ko si Kuya Warren at kaagad naman siyang nagising. Tumingin siya sa labas at namutla din siya.   Binuksan ko na yung pintuan at lumabas na ako bitbit yung gamit ko. Bahagya na lang akong napasinghap sa kirot ng paa ko. Hindi na siya ganong kasakit at nailalakad ko na siya.   "Summer."   Lumabas si Ice at hinawakan ako. Napalunok siya ng mapatingin don sa Hunted House. Nagsibabaan narin yung mga kasama namin.   Napatingin ako sa kanan ko ng biglang bumigat si Ice na nakaakbay sakin. Napailing na lang ako ng makita kong nagsisiksikan yung triplets pati na si Kuya rain at si Kuya Warren na kaakbay si Sophie. Sa likod namin nandon si Kuya Reese at Ate Hurricane.   Para tuloy kaming malaking-malaking bola habang kumpol-kumpol kaming naglalakad. Sinubukan kong itulak yung pinto at madali namang bumukas yon.   Napalunok ako ng nag creeky sound yon. Hindi naman ako natatakot katulad ng mga katabi ko na parang mawawalan na ng malay. Pero dahil normal akong tao kinikilabutan parin ako sa itsura ng paligid.   Kailangan ko lang pigilin ang namumuo kong takot dahil baka lahat kami mamatay na sa atake sa puso. Naglakad kami papasok at lahat kami napapitlag ng sumarado ang pinto.   "Okay! Everyone. Nakita niyo naman may mga twigs and kung ano-anong kahoy sa paligid. Buksan niyo ang mga cellphone niyo dahil wala tayong ilaw. Kailangan nating gumawa ng maliit ng apoy. Maghahanap kami ni Ice ng lalagyan wag kayonag maghihiwalay-hiwalay."   Tumango naman sila pero walang kumilos sa kanila kahit isa. Kumalas ako at automatic na sumunod sakin si Ice. Naghiwalay-hiwalay narin yung iba. Kasama ang mga asawa nila.   "Autumn b-baka may mumu!"   "Mumu ka diyan. Kapag ganitong gutom ako baka ilagay ko siya sa lampara ng wala sa oras."   "Genie yon."   "Pareho na yon."   Hinila ko na si Ice at humiwalay na kami. Kulang na lang mag-ala koala siya sakin at magpabuhat. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa itsura niya. Para siyang binabad sa suka ng ilang linggo sa itsura niya. Palingon-lingon siya at parang nag-aabang siya ng multo na bigla na lang susulpot.   "Umayos ka nga."   "Tignan mo nga yung paligid. Ang creepy."   "Naabandona na kasi yung bahay. Porke ba abandonado may multo na? Imagination mo lang yan-"   Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang may kung anong bumagsak. Nilingon ko si Ice at nakatakip ang mga mata na sumiksik siya sakin.   Napailing na lang ako at hinila ko na siya. Pumunta kami sa kusina at may nakita ako dong lumang bowl na parang gawa sa bato. Binuhat ko yon at hinila ko na si Ice palabas.   "S-Sigurado kang walang mumu dito?"   "Wala siguro."   "Hindi ka sure?"   "Ano namang akala mo sakin psychic? Halika na nga baka hinimatay na yung mga taong yon sa takot."   Nakasiksik parin sakin na lumiko na kami sa isang pasilyo. Naiimagine ko na kung gano katakot yung iba. Lalo na ang kakambal ni Ice na-   "AAAAAAAAAAAAAAAH!"   "AAAAAAAAAAAAAAH!"   Napatakip ako sa tenga ko ng may kasabay si Ice na sumigaw. Nagkatinginan kami ni Autumn at napabuntong-hininga. Pinanood naming dalawa yung kambal na sumisigaw parin. Nakataas pa ang ulo nila na parang nag papataasan sila ng sigaw. Pagkaraan ay huminto sila at nagkatinginan. Inintay namin ni Autumn kung ano yung gagawin nila. Napapalatak ako ng bigla silang nagyakapan na parang sampung-taon na sila hindi nagkikita. Magkadikit pa yung mga pisngi nila na parang ayaw na nilang mag-hiwalay.   "Iwan na nga nating yang dalawang yan."   "Tama."   Magkasabay na iniwan na namin silang dalawa. Wala pang segundo may narinig na kaming parang mga kabayo na nakasunod samin at halos pigain kaming dalawa ni Autumn.   "Sigurado ka ba sa pagpapakasal niyo niyang si Wynd?"   "I'm starting to have doubts. You?"   "Its a good thing id didn't happened by choice."   Nakasimangot na naglakad na kami habang parang may pasan kaming sako ng bigas dahil sa pagkakayakap samin nung dalawa. Naabutan namin ang mga kasama namin na kasalukuyang magkakadikit na nakaupo sa gitna ng living room ng bahay. May mga naipong kahoy na kung ano don.   Umupo na din kami ni autumn at may dalawang ipo-ipo na umupo sa magkabilang gilid namin.   "Ako ang gagawa ng apoy!"   "Ako din!"   May kinuha silang bato sa gilid at iniligay nila don sa batong bowl yung mga kahoy na nakuha. Pagkatapos pinagkiskis nila yung mga bato.   Nakapalumbaba na pinanood namin sila habang busy na busy sila sa paggawa ng apoy nila. Tinitigan ko si Ice at unti-unti ng humihina ang kaninang mabilis niyang pagkiskis. Ganon din si Wynd.   Nagkatinginan kami ni Autumn. Ang saklap pareho ng kapalaran naming dalawa.   "Akina nga yan."   Kinuha ko yung bowl at may kinuha ako sa bulsa ko. Wala pang limang segundo umapo na yung kahoy. Namamanghang nakatingin yung kambal don sa apoy tapos tumingin sila sakin.   "Ang galing mo naman!"   "Ang galing ng summer baby ko. Pano mo nagawa yon?"   "Meron kasing tinatawag na lighter incase hindi niyo alam."   Iwinagayway ko sa muka nila yung hawak ko na lighter. Nag pout sila at bumalik na sa pagkakaupo nila sa magkabilang gilid namin ni Autumn.   Naglabas kami ng pagkain pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Mabuti ng may gawin kami kesa naman tumunganga kami dito magdamag.   "Alam mo familiar tong lugar na to parang may kamukha."basag ni ate Hurricane sa kathaimikan habang iniikot ang tingin niya sa paligid.   "Alin yung movie sa The Grudge? Tapos mamaya may gagapang pababa diyan sa hagdanan-"   Napatigil ako sa sasabihin ko ng humigpit yung yakap sakin ni Ice. Parang gusto niya na akong pigain sa ginagawa niya. Okay narin since malamig.   "Hindi parang nabalita na to sa news."   "Hmm. I remember that. May na murder daw na babae dito. Dalaga pa siya at ipinamana sa kaniya lahat ng to ng namayapa niyang magulang." sabi ni Rain sa kakambal.   Nawala na ata lahat ng dugo ng triplets pati na si kuya Warren.   After an hour ng pag-upo bigla na lang akong tumayo. And of course na dala ko din si Ice na parang tukong nakakapit sakin. Pumitlag ako para maialis siya pero hindi siya kumilos.   "Pupunta ako sa basement baka may pwede pang gawin para buksan yung tubig. I need to go to the bathroom. Kuya Rain sa tingin mo maayos pa yung tubig? May tank sa labas eh."   "Hindi pang-inom pero pwede pa yan."   Tumayo na ako at naglakad papunta sa basement. Nakasunod sakin si Ice na kahit mukang ayaw sumama ay sumama parin. Kaya ko namang mag-isa.   Tumaas yung kilay ko ng makarating kami sa basement lalo na ng makita kong malinis yon. Chineck ko yung mga contol ng kuryente at tubig at lalo akong nagtaka ng ayos at nakabukas pa yung tubig.   Dapat pala sinubukan muna namin kung ayos pa.   Pero nakakapagtaka lang. Kung bakit malinis dito. Saka may mga gamit hindi katulad sa taas. Naglakad na kami paalis ni Ice at paakyat sa taas ng bahay kung saan naghanap kami ng bathroom.   Lalo akong nagtaka ng ang napasok naming kwarto ay may gamit pa.   Naglakad na ako papunta sa C.R. at huminto lang ako ng papasok na sana ako pero nakadikit parin sakin si Ice na mukang takot na takot.   "Ice? Mag c-cr ako. Dito ka muna."   "Ayoko!"   "Alangan namang isama kita. Adik ka ba? I'm not going to pee while you're watching me with your scary eyes."   "Pero. Ayoko dito, ama na ako please? please?"   "No. Dito ka lang sa labas. Pumikit ka at wag kang gagalaw."   Napalunok siya at pumikit. Pumasok ako sa loob and did my thing. Sa dami ng ininom kong juice sa resort hindi nakakapagtaka. Binuksan ko yung tubig.   Nang ayos na ako ay tumayo ako at tumapat sa salamin.   "f**k!"   Napatili ako at hindi ko na na i-zipper yung pantalon ko. Humahangos na pumasok si Ice at hinila ako palapit sa kaniya. May takot parin sa mga mata niya pero parang mas nanaig sa kaniya ang protektahan ako.   Hindi ako takot sa multo mas takot ako sa totoong tao.   "S-Summer...ammm..itaas mo muna yung z-zipper.."   Namula yung muka ko at sinunod ko naman siya. Yumakap ako sa kaniya at humugot ako ng malalin na hininga bago ko nilingon yung nakapagpasigaw sakin. Merong babae na nakatayo sa isang gilid na hindi ko napansin. She looks scary...at patay na siya. Para siyang ginawang maniquin na kung ano.   Mukang kamamatay niya lang dahil sa itsura niya. Idagdag pa na hindi pa tuyo ang dugo niya at hindi pa siya nangangamoy. I can't believe I pee on a comfort room na may nakatingin sakin na patay.   "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"   Tinakpan ko ang bibig ni Ice. "It's not a ghost. Something's off with this place."   "A-Alis na tayo..."   Tumango ako at hinila ko na siya papunta sa baba. Kumunot ang noo ko ng makita kong patay na ang apoy. Wala ding palatandaan na may tao sa living room.   Pumasok kami sa isang kwarto sa baba. Pero bago kami makapasok ni Ice bigla na lang may humatak samin. Nagpapasag ako at pilit na kumakawala ako, ganon din si Ice. Kumalma lang kami ng marinig namin yung boses ni Wynd at Autumn.   Sinenyasan niya kaming tumahimik.   "Nasan si Kuya warren?" tanong ko.   "Nasa likod sila tinago nila yung sasakyan at kinukuha nila yung mga gamit na natira don. May narinig kaming ugong ng sasakyan. Buti na lang sa gilid na tayo na siraan kanina. Yung iba nagtago narin." bulong ni Autumn.   "We found a dead girl upstairs."   "Yung dalaga na may-ari?"   "I don't think so. Matagal na ang sinasabi ni kuya Rain kanina."   Tumingin ulit kami sa living room. Nag-iba ako ng pwesto dahil naiipit na ako. Umikot din si Ice para bigyan ako ng lugar. Inilagay niya sa magkabila ng ulo ko ang mga kamay niya.   "You okay?"   "Yes."   Ngumiti siya sakin. He lean down at nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo. Umayos na ulit siya ng tayo. He's eyes is twinkling with happiness.   "Exemption."   "Right."   Tumahimik kami ng may marinig kaming mga kaluskos. Pagkatapos ay may pumasok na tatlong lalake. Mukang may mga kasama pa sila.   Nanglaki yung mga mata ko ng makita kong may dala silang isang babae na walang malay. Mukang alam ko na kung anong gagawin nila don sa babae.   "May madadagdag na naman sa koleksyon natin."   "Hindi na ako makapag-intay."   Nagkatinginan kami nila Ice. Mukang may nagaganap ngang kakaiba sa lugar na to. Parang tambayan ng mga adik na hindi maintindihan.   "I guess hindi nahuli yung mga pumatay don sa may-ari."   Tumango ako sa sinabi ni Ice. "Pretty clever I must say. Hinahanap sila kung saan-saan. Pero dito pala sila nagtatago kung saan naganap ang krimen."   Napatingin ako sa oppposite ng pwesto namin at nakita ko sila Ate Hurricane na kumakaway samin. Mukang nag e-enjoy pa sila dahil mukang may gagawin kami ngayong gabi.   Nang makaalis yung tatlo at pumasok sa basement kasama yung dalawa pa na pumasok. Lumabas na kami sa tinataguan namin at lumapit kami kaila Ate Hurricane.   Kumuha kami ng lipstick ni Ate Hurricane at natatawang nag drawing kami sa mga muka namin. Kumuha pa kami ng tubig para mukang ewan yung buhok namin.   Sakto naka puti kaming dalawa. Dahan-dahan na lumingon kami kay Ice at Wynd. Yung tipong nananakot. Gulo-gulo pa yung buhok namin.   Bago pa sila makasigaw tinakpan na ni Autumn at ni kuya Reese ang bibig nila. Natatawang nag appear na lang kami ni ate Hurricane.   "Dito lang kayo may gagawin lang kami."   Akmang pipigilan ako ni Ice pero nginitian ko lang siya.   "Stay here, Ice. We'll be back." Sabi ko. Si ate Hurricane naman ay kumindat lang kay kuya Reese na napapailing.   Tumakbo na kami paalis ni Ate Hurricane papunta don sa basement. May narinig kaming sumisigaw, pumasok kami sa loob at nakita naming tinatanggalan nila ng damit ang babae.   Nagpupumiglas yung gising na na babae. Mahinang nag-aapear kami ni Ate Hurricane pagkatapos at lumipas siya sa isang panig ng room. Dumapa ako sa sahig at ginaya ko yung ginagawa sa The Grudge. Nakita ko na tong ginagawa ni CJ, isa sa mga agent sa BHO. Kaya kering keri ko to.   "a-a-a-a-a-a-a-a.."   Ginaya ako ni Ate Hurricane. Tumingin kami don sa lalake habang may nakatabing na buhok sa muka namin. Namutla sila at umatras.   "b-bakit mo kami pinatay a-a-a-a-a-a-a-a....magbabaya kayo...."   Kung hinid ko lang kilala si Ate Hurricane baka natakot din ako. Mabilis na gumapang ako. Nang makalapit kami sa kanila ay sabay na tumayo kami ni Ate Hurricane.   "Happy.." nakangiting pambibitin ni ate. DInugtungan ko ang sinabi niya. "Halloween, boys."   Umigkas ang paa at kamao namin ni Ate Hurricane. If you're in the middle of a battle, if you're caught off guard..you'll lose. Hinila ko sa kwelyo ang isa at inuntog ko siya don sa lalaking isa na mukang nakabawi na sa pagkagaulat at pasugod na sana sakin. Sabay na tumumba sila sa sahig.   Nag appear ulit kami ni Ate Hurricane ng napatumaba namin silang lahat. Tumingin kami sa hagdanan ng basement at ngumiti kami don sa mga kasama namin na nakatingin samin. Mukang kadadating lang nila.   "Tanggal boredom." kibit-balikat na pahayag ni ate.   "Tama, appear ulit!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD