CHAPTER 4
SUMMER'S POV
Nakapalumbaba ako sa van kung saan nandoon ako. Pagkatapos akong kausapin ni Tita Kat kanina pinagbihis niya ako at pinaghanda ng mga damit. Ang sabi niya Poseidon's Swimming Party Day daw ngayon kaya aalis kami.
Naiwan ang mga agents na may mga mission. Nagkataon nga lang na lahat kaming mga elite agents ay walang mission na kailangang asikasuhin.
Sa totoo lang ayaw kong sumama. Siguradong puno na naman ng kalokohan si Daddy ngayong araw na to. Minsan nga hindi ko alam kung bakit hindi tumatanda si Mommy kay Daddy.
Nasa kabilang van sila daddy. Kami lang sa van na to ng mga elite agents. Unfortunately nasa likod ako kasama pa ang kanina ang nag be-beautiful eyes na si Ice.
"Hindi kaya biglang malaglag yang mga mata mo sa ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot at nag papacute na nag beautiful eyes. Bumuntong- hininga na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. At least hindi masyadong nakakahilo ang tanawin don.
"Summer baby."
"What?"
Hindi ako lumilingon sa kaniya incase nag be -beautiful eyes pa siya. Kaso naramdaman ko na may kung anong malapit sakin kaya lumingon na ako.
Inatras ko ang mukha ko ng muntik ng magtama ang mga labi namin. Napasimangot si Ice. "Sayang. Malapit na eh!"
"Kapag hindi ka tumigil ididikit kita sa gitna ng kalsada at pasasagasaan kita."
"Hindi mo magagawa yan."
"At bakit?"
"Mawawalan ka ng gwapong asawa."
Kumindat pa siya sakin at napailing na lang ako. Papunta kami sa San Pablo, Laguna. Sa Villa Escudero kami pupunta dahil don gusto ni Daddy i-celebrate ang Poseidon's Swimming Party Day niya.
Sumiksik ako sa gilid ng kinauupuan ko. Kanina pa ako nilalamig. Napaangat ako ng tingin ng may isinuot na jacket sakin si Ice.
Kumunot yung noo ko ng makita kong may number 9 na nakatatak don. Natatandaan ko pa tong pulang jacket na to. Eto yung Varsity Jacket ni Ice noon.
"Wag na-"
"Sige na suotin mo na. Since alam kong sisipain mo ako palabas ng bintana kapag niyakap kita."
Nag-iwas ako ng tingin para mapigilan yung sarili ko na matawa. Parang alam na alam na niya kung ano yung mga reflex action ko pagdating sa kaniya.
"SUMMEEEEEEER!"
Napapitlag ak at napadilat. Lumingon-lingon ako para matiyak na walang nasusunog. Tinignan ko yung pinanggalingan ng boses at napabuga ako ng hangin ng makita kong si Ice at Wynd lang yon na parang mga tutang umaalulong.
Mukang kanina pa nila ako ginigising. Nakatulog pala ako.
"Bakit kasi hindi niyo na lang ako tinapik?"
"Yon sana ang gagawin namin kaso baka bigla kaming mawalan ng kamay." sabi ni wynd.
"O ng ulo."
"Sa taas."
Hinilot ko yung sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa conversation nila at sumasakit ang ulo ko dahil mukang na sobrahan ako ng tulog. Tinignan ko yung labas. Nandito na pala kami.
"Excuse me pwedeng dumaan na ko? Kapag hindi kayo tumabi gagawin kong iisa lahat ng internal organs niyo."
Mabilis pa sa alas kwatro na nawala sila sa harap ko at bumaba na. Bumaba na rin ako at tinaasan ko ng kilay si Ice ng hindi siya sumunod kay Wynd na papasok na sa loob.
"Iniintay kita, baby."
"Whatever."
Magkasabay na naglakad kami. Napatingin ako kay Ice at napangiti ako ng wala sa oras ng makita kong nakashades na siya. Na korteng star.
Nawala yung ngiti ko ng makapasok kami sa loob at makita ko yung itsura ng daddy ko. Nakangiwi din si mommy habang nakatingin sa kaniya.
May suot si daddy na salbabida na may giraffe sa harapan. May shades din siya na star shape at ganon din si Wynd. Binatukan pa siya ni Autumn ng makita yung itsura niya.
"Si Daddy ba ang may bigay niyan?" tanong ko kay Ice.
"Yup! cute no?"
"Hindi."
Lumapit ako kay Daddy na nasa counter. Halatang nagpapacute sa kaniya yung receptionist. Nilingon ko si Mommy pero mukang hindi naman siya nagseselos.
Pero ako hindi ako makakapayag na may nagpapacute sa daddy ko. Lumapit ako kay daddy at pinulupot ko yung braso ko sa braso niya at binigyan ko ng pekeng ngiti yung receptionist.
"Overnight ba tayo 'daddy'?"
"Yup. Bukas na tayo ng hapon uuwi."
Nginitian ako ni daddy na parang sinasabi niya na alam niya kung anong ginagawa ko. Binalik ko ang tingin ko don sa receptionist na tumikhim.
Iba talaga ang charm ni daddy sa mga babae. Tumaas yung kilay ko ng may sumulpot na lalake at tumabi don sa babaeng receptionist. Tinulungan niya yung babae.
"Meron po ba sa inyong may senior card-"
Napasinghap si daddy don sa sinabi nung lalake. Hawak-hawak niya pa yung dibdib niya na parang aatakihin siya don sa tanong nung lalake.
"Amm..s-sir..wala pong ibig sabihin yon, ano kasi.."
Nginitian ko na lang yung lalake at umiling ako. Sinenyasan ko si Ice na siya na ang makipag-usap at hinila ko na si daddy sa gilid kung saan nandoon si mommy.
"Can you believe that honeypie, bebe, baby, darling, love, sweetheart! hiningan niya ako ng senior citizen card! HINDI AKO SENIOR!"
"Quiet."
"That hurts you know!"
Natawa na lang ako. Hindi nga mukang nasa fifties si daddy eh. Dahil na maintain niya yung katawan niya at wala naman siyang problema sa buhay. Kaya mukang mag fo-forty pa lang siya.
Kinindatan ako ni Mommy at minuwestra na lumayo muna ako at siya na lang ang makikinig sa pagmamaktol ni Daddy. Natawa na lang ako at umalis na.
After a few minutes pinapasok na kami sa loob. Nag decide kami na kumain muna since ang haba ng binyahe namin. At nagugutom narin kami. Pumunta kami sa Waterfalls Restaurant. Kumunot yung noo ko ng makita kong nasa gitna yung mga lamesa. Tapos puro tubig papunta doon.
Nagkibit-balikat ako at naglakad don sa tubig. Napatingin ako sa paa ko ng may maramdaman akong gumalaw don. Unti-unting nanglaki yung mga mata ko ng may makita akong maliliit na isda don. Super liit. Lumingon-lingon ako pero wala akong matutung-tungan.
"AAAAAAH! ICE!"
napalingon sakin si Ice na nauna sakin at nabigla siya ng tinalunan ko siya. Nakahinga ako ng maluwag ng sinalo naman niya ako. Nagpapasag ako ng parang nararamdaman ko pa yung maliliit na isda na yon. Napasinghap ako ng may naramdaman akong masakit sa paa ko.
Hindi ako takot sa mga hayop...kahit tiger pa yan. Wag lang yung mga maliliit at kinikilabutan ako. Though may times na kaya kong pigilin yung takot ko basta lang hindi malapit sakin yung tiny thing na yon.
Ayoko nung nararamdaman kong gumagalaw yon sa balat ko.
"Summer? what happened?"
"May gumagalaw sa paa ko!"
"Yup. Fish-"
"I-alis mo ako dito!"
"Kailangan nating kumain. Bubuhatin na lang kita hanggang sa lamesa natin, okay?"
Kiming tumango ako. Nakakahiya na halos narinig ako ng buong tao dito sa resort sa pagsigaw ko. Nadagdagan pa na nakakahiya at kay Ice pa ako tumalon.
Nang makarating kami don sa pwesto na uupuan namin ibinaba na niya ako. Kumapit lang ako sa leeg niya at umiling. Tumingin siya don sa paanan ko at sinakto ako don sa upuan.
Umupo naman ako at itinaas yung paa ko sa nakita kong bakal na patungan. Napangiwi ulit ako ng kumirot yon. Sa kalikutan ko ata may naipit na kung ano don.
"I never knew you'll be scared of a tiny thing."
"Nang-aasar ka ba?"
"No...I'm just happy."
Napatingin ako sa kaniya at nasalubong ko ang nakangiti niyang muka. Tumaas yung kilay ko na parang sinasabi na dagdagan niya yung sinabi niya.
Bakit siya matutuwa na may kinatatakutan ako?
"Its just that...finally may isang bagay na ako na alam tungol sayo na alam kong kaya kitang iiwas sa kinatatakutan mo. And I'm glad..na sakin ka tumalon kanina."
"Psh. Ikaw lang ang nasa malapit."
"Kahit na. First na yakap yon na hindi ako ang nag initiate."
Nag-iwas ako ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag ng umupo narin yung mga kasama namin. Nag-order sila ng mga pagkain. Kumalam yung sikmura ko ng pagkaraan ay duamting yung mga order namin. Grilled Tilapia, Pinakbet, Tinolang manok na nakalagay sa coconut shells. Tapos mangga na may kamatis at meron ding sinigang na hipon.
Hindi na kami nag-pansinan lahat dahil lahat kami gutom na. Nagkamayan kaming lahat. Masarap din pala na kumain ng ganito. Walang arte.
Pagkalipas ng isang oras natapos na kaming kumain. Napaangat ako ng muka ng maramdaman ko na kinuha ni Ice yung kamay ko at pinunasan ng baby wipes.
"May baby wipes kang dala?"-
"Oo naman. Si Wynd din meron."
Inginuso ni si Wynd na pinupunasan din ang kamay ni Autumn na natatawa lang. Binalik ko yung tingin ko kay Ice na nililigpit na yung maduming baby wipes.
"Bakit may dala ka niyan? wala ka namang anak. O baka naman may anak ka na at-"
"Of course not. Sabi ni Momma dapat lagi kaming handa nila Wynd. Kaya may dala kaming baby wipes, sanitizer, at pulbos lagi."
Napailing na lang ako. Nagsitayuan na yung mga agents at excited na umalis. Tumalikod sakin si Ice at pinasasampa ako sa kaniya. Bumuntong-hininga ako at tumayo sa upuan pero napahawak ako sa lamesa ng wala sa oras at napasinghap.
"Summer?"
"I'm Fine."
"You're not."
Hinawakan niya yung paa ko. May kung ano siya dong ginawa at halos kagatin ko na siya ng maramdaman kong may sumigid na kirot sa paa ko. Pagkaraan ng matapos siya ay mas nagagalaw ko na yung paa ko. Though masakit parin kapag naitatapak.
"Here."
Umupo siya. Namumula ang mga mukang pinalibot ko sa kaniya yung mga paa ko at kumapit sa leeg niya. Tumayo na siya at lumakad.
"Patignan natin sa Mommy mo mamaya."
"Okay na ako. Hindi na ganong kasakit."
"Kasalanan nung mga isdang yun to eh. Kapag nahuli ko talaga sila papanain ko sila ng aspile."
Napailing na lang ako. Nag lakad kami papunta sa cabin namin. Inilagay ni Ice yung gamit ko sa tabi ko at nakangiting pumasok siya ng bathroom.
Tahimik na nagpalit ako ng damit. Magaan lang yung pagkakaapak ko sa kanan kong paa dahil hindi ko iyon mailakad. Sinuot ko yung two piece ko na kulay black at pinatungan ko ng net shirt na hanggang hita ko.
Saktong nakaayos na ako ng pumasok si Ice sa kwarto. Naka trunks siya at shirt.
"San mo gusto pumunta?"
"Amm..wag na lang."
"Come on, sayang ang punta natin."
"Mapapagod ka kakabuhat sakin."
"Course not. Punta tayo sa Bamboo Rafts."-
Pinasan niya ako ulit at kumapit na lang ako sa kaniya. Naglakad -lakad kami papunta sa bamboo rafts na sinasabi niya. Umangat yung kilay ko ng ilang minuto na ang lumilipas hindi parin kami nakakarating don.
"Alam mo ba kung nasaan?"
"No. Pero mahahanap natin yan."
Napailing na lang ako at sinandal ko yung muka ko a balikat niya. Saglit na natigilan siya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Bahala na kung mahanap niya man yon o hindi.
'Give him a chance.'
Maybe I can. One step at a time. Maybe we can start as friends. And later on maybe we can decide whether we can move forward.
If I can move forward with him.
"Ice."
"Hmm?"
"Do you miss it?"
"Miss what?"
"The popularity. The girls."
Napatigil siya. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakarating na kami don sa bamboo rafts. Tinulungan kami nung isang lalaki na makasampa.
Nang makaupo kami nag sagwan na si Ice hanggang makarating kami sa gitna. Umayos siya ng upo sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa papalubog na araw.
"I dont miss it."
Tumingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sakin. Nasa palubog na araw ang atensyon niya. Binalik ko narin yung tingin ko don sa araw.
"Bakit?"
"Dahil yon ang isang bagay na pinili ko dati na naging dahilan para mawala ang lahat sakin."
Napalunok ako sa sinabi niya.
Naramdaman ko na nakatingin na siya sakin pero pinigilan kong lumingon. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya pero ayokong tumingin sa kaniya.
Yes, I'm scared. Kung may trauma man sa broken heart. Siguro meron ako non.
"Mawala ang alin?"
"You..my everything."
Napatingin ako sa kaniya. He smiled down at me. Hindi na ako nagreklamo ng hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako. Sinubsob niya ang muka niya sa leeg ko.
"Give me a chance."
"One step at a time."
"I wont hurt you again. I wont do that again."
"Its hard to believe. Let me learn to trust you, Ice. Ikaw ang unang taong makakaalam kapag sigurado na ako. Its just...hard. Its hard to accept a relationship..with someone who made me think so little of myself before.-"
"Naiintindihan ko. And heaven knows that I'll wait for you."
Tumingin ako sa mga mata niya.
One step at a time.